"Hoy gising na tutoy." Nagising si Jun dahil sa tapik ni Seungkwan sa mukha nya.
"Uy, Seungkwan. Good morning." Bangag na sabi nito.
"Mag tatanghali na hijo. Ano? Makikisabayan ka sa pag tulog ni Minghao?" Sabi ni Seokmin.
Di nya pinansin si Seokmin at pumasok ng banyo para mag ayos ng sarili. Pag labas nya ng banyo saka nya lang na pansin na nandoon ang tropang top at bottom :">
"Andyan pala kayo." Sabi ni Jun at lumapit sa kanila.
"Ay wala. Wala kami dito." Woozi.
"Gasgas na po ang line na yan. Iba naman." Pag paparinig ni Soonyoung. Sinapak nya ni Jihoon sa tagiliran.
"Mga lovebirds wag dito please. May bitter." Sabi ni Seungkwan sabay tingin kay Seokmin.
"Tama na ang kagaguhan. Kumain na tayo." Singit ni Wonwoo. Inaayos nya yung mga pagkain nang lumapit si Mingyu sa kanya.
"Tulungan na kita." Tuwang-tuwang sabi ni Mingyu. Di sya pinansin ni Wonwoo at pinag-patuloy ang ginagawa nya.
Habang nag aayos silang dalawa ay nasagi ni Wonwoo yung plastic cups kaya nahulog yun sa sahig. Pupulutin na sana ni Wonwoo yun nang maki-sabay rin si Mingyu sa pag kuha non. Kaya in the end. Parehas nilang hawak yung plastic cups. Nag katinginan silang dalawa.
"Tangina. Di ko na kaya panoorin 'to." Sabi ni Jihoon at umiwas ng tingin.
"Kadiri punyeta." Sabi ni Seokmin habang nandidiri yung mukha.
"May bata pa dito." Sabi ni Seungcheol habang tinatakluban yung mata ni Chan.
"Hoy. Hindi nyo po story 'to. Sa pangatlong series pa. Buti nga kayo malapit na yung story nyo eh. Eh ako kaya?" Sabi ni Seungkwan habang pasimpleng sinusulyapan si Vernon.
"Di ko naman sinabing story namin 'to." Sabi ni Wonwoo at hinablot kay Mingyu yung plastic cups.
"Kumain nalang tayo hehe." Sabi ni Jeonghan. Tumayo sila at kumuha ng pagkain nila.
Tahimik silang kumakain ng mag tanong si Jun, "Bakit pala andito kayong lahat?"
"Sinabi kasi sa amin ng mga magulang ni Hao na ililipat nila sa America si Minghao. Kaya ayun. Napag-isipan naming pumunta lahat." Sabi ni Jisoo. Tumango-tango lang si Jun.
Pag katapos nilang kumain ay pumalibot sila kay Minghao.
"Hoy. Mag pagaling ka agad ah." Wonwoo.
"Dapat pag kagising mo bumalik ka dito." Seungkwan.
"Wag mo kaming kakalimutan ah." Sabi ni Seokmin at kunyaring nag pupunas ng luha.
"Wag mo kaming ipag-papalit sa mga imported na tao sa America ah." Jeonghan.
"Hihintayin ka namin." Maikling sabi ni Jihoon.
"Tama sila. Bumalik ka agad dahil mamahalin pa kita." Sabi ni Jun.
"Ang cheesy mo tol ah. Ilang Eden ba ang nakain mo?" Epal ni Soonyoung.
"Maging masaya tayo sa araw na 'to." Chan. Nag si-tanguan sila.
"Sinong sasama sa airport?" Tanong ni Vernon.
"Ikaw. Tutal kalahi mo naman sila. Kasing lapad ng noo mo yung airport" Sabi ni Seungkwan.
"Ouch bes. Nakakasakit ka bes." Sabi ni Seokmin sabay hawak sa puso nya.
"Seryoso ako." Sabi ni Vernon.
"Mag taas ng kamay ang sasama!" Sabi ni Soonyoung.
Sasama si Seokmin, Seungkwan, Jihoon, Soonyoung, Wonwoo, Jisoo, Jeonghan at Seungcheol.
"Bakit di ka sasama, Mingyu?" Tanong ni Seungcheol.
"Aalis ako bukas." Sabi ni Mingyu.
"Ikaw, Chan?" Umiling lang sya.
"Ikaw, Vernon? Bakit?" Seungcheol.
"Sumama ka! Baka maligaw kami sa airport. Sa ulo mo pa naman ang palibot-libot sa airport. Sabagay kamag-anak mo yun eh." Sabi ni Seungkwan. Hindi sya pinansin ni Vernon pero pumayag 'to na sumama.
"At ikaw, Jun? Anong excuse mo?" Jihoon.
"Di ko kasi kayang makitang umalis si Minghao. Baka pigilan ko sila." Sabi ni Jun.
Naintindihan naman sya ng lahat kaya di na sya kinulit pa na sumama. Nag bigay sila ng mga messages kay Minghao, nag tawanan sila, nag kuwentuhan, nag laro at marami pang iba. Sinusulit ang natitirang araw na makakasama nila si Minghao.
×××××
BINABASA MO ANG
Suitor ❀ JunHao
Short Story〖 Epistolary 〗【 Hongoloid series 2 】 || JunHao || 『 Oy! Liligawan kita ah!- Minghao 』 「 Starring: Wen Junhui, Xu Minghao and other SVT members. 」 ✦ @bluseoul Salamat uli sa book cover bes ✦