"Goodmorning class."
Bati saamin ng professor namin. Another school day means another boring day. Tumayo nalang din ako and I greeted.
"So, everyone, how's it going?" Tanong ng prof. namin. Wow, he's starting a new life? Napakaboring pa naman niya magturo and very strict. Gusto niya kasi lahat ng attention nasa kanya. Tss.
Ako, nakatulala. Thinking about the 'MOO' thing. Walang hiya talaga 'tong si Kimpoy. Kung ano ano ang pinapaggawa saakin, pero eto naman ako.. Sumunod rin. Gaya nga ng sabi ko, I'll give it a try. I mean, wala namang mawawala diba?
Until someone snapped their fingers onto my face, "Ms. Domingo? Daydreaming again? About what, your prince charming saving you? Please lang, Ms. Domingo. He's never gonna come and save you." By my professor's words, I felt a pain in my heart. Ba't ang sakit nun?
"Oh? Bakit hindi ka makasagot, Lelay? Did it hurt you? Everyone should be attentive in my class. Hindi pwede yang PDA or love love or whatever you call it. Now, going back.."
Nanahimik nalang ako. May naramdaman akong may kumalabit saakin galing sa likod. Lumingon ako at nakita ko si Kimpoy, "Hayaan mo na yang matanda. He never felt love kasi that's why binubuhos niya saatin. Psh." Pabulong na sabi ni Kimpie.
Natawa nalang ako sa bestfriend ko.
"Ms. Domingo and Mr. Li! Bakit kayo nagtatawanan? May nakakatawa ba dito sa lecture ko?"
Parehas kaming hindi nakasagot ni Kimpie, kaya ayun, we were sent to the office.
**
"Sa susunod kasi, makinig sa mga lectures ng Professor niyo. Alam niyo naman palaging dinudugo yan." Pagpapatawa saamin ng School Principal.
"Kaya nga po, Ms. G! Nagtatawanan lang kami ni Lelay, tapos yun. Sinagawan kami. Banas." Pagrereklamo ni Kimpie, sabay ayos ng kanyang buhok.
"Hahaha! Pagbigyan niyo na yun. Understand his situation. Maybe he's going through with some serious problems."
Sumingit ako sa pag-uusap nila, "Talaga lang po, ha? Araw-araw naman ata yun may dalang poblema. At, binubuhos niya saamin. Di siguro siya tinatantanan ng poblema."
"Tama ka dyan, Bes!" Pag-sasangayon saakin ni Kimps.
Tumawa naman si Ms. G, "Pero students ha, you guys should still respect him. I don't want to see you guys here again because of that reason, okay?" At tumango naman kami ni Kimpoy.
Umalis na si Ms. G a.k.a our awesome school principal. Nanatili lang kami ni Kimpoy na nakaupo sa loob ng office. Hello, tinatamad pa kami. Haha.
Nagulat nalang kami ni Kimps na may biglang pumasok sa office, usually kasi kumakatok muna. Bastos naman neto.
"Where's Ms. G?" Speaking of the devil, tama. Bastos talaga. Eto kasi yung ugok na tiningnan lang ako at hindi ako tinulungan nung nakasalampak ako sa sahig, e!
Magsasalita na sana ako para bulyawan siya kaso lang biglang sumingit ang bakla, "OMYGASH. Luke! You look so handsome, no pimples," sabi ni Kimps habang hinahawi ang mukha ni Luke, "Perfect!" At, kinilig na si Kimpoy Li.
Luke stared at him with a very curious look, "I said, where's Ms. G?" Pagsusungit neto.
"Nako, pogi. Kakaalis lang! Stay here muna, kwentuhan muna!" Sabi ni Kimpie. Omygosh, Kimps. You look desperate. "What are you trying to inply and you, why are you looking at me as if I killed 10 people?" Pagsusumbat niya saakin. Kanina pa kasi ako nakadeath glare sakanya. I will never forget the first day that we met. It was horrible, horrifying and terrible.
"Bakit? Bawal?" Sagot ko. Ha! Anong akala niya.
"What did you just say?" His face became serious and rolled his fists.
"Hindi ka naman siguro bingi para hindi marinig yung sinabi ko diba --" Napatigil ako sa pagsasalita dahil siniko ako ni Kimpie.
Tumawa si Kimpie pero nakatingin saakin, "Luke, what she meant was, nakatingin siya saiyo because you look wonderful today. Always naman ata, right Lelay?" At siniko nanaman ako ni Kimpie para sumagot ako ng oo.
I exhaled and trying to form the words in my mouth and finally I said, "Oo naman, Mr. Luke." Phew! Halos masuka na ako nun. I can't believe I said those words to a bossy guy like him! Stupid MOO.
"Okay, stupid tss."
After a minute, doon na nag sync in saakin yung sinabi ni Luke. I slowly looked at Kimpie at nakatingin siya kay Luke na nakaupo banda sa principal's desk. What. Wala bang epekto yung sinabi ni Luke kay Kimps? Martyr ka, Kimps! Martyr! I thought to my STUPID self. Tsk.
Sobrang awkward. Bigla namang naihi si Kimpoy kaya nagpaalam muna siya. So, here we are. Kami lang ni Luke ang nandito. Since wala naman 'tong patutunguhan, pinikit ko nalang ang mga mata ko.
Unti-unti kong minulat aking mga mata dahil may nararamdaman akong distraction.
Nagulat nalang ako nang kaharap ko si Luke. Nakatingin lang siya saakin and my face looks confused.
"Lumayo ka saakin! Anong ginagawa mo saakin nung nakapikit ako? Pinagpapantasyahan mo ba ang katawan ko? What?! Kadiri ka! Pervert!" Pinagsasampal sampal ko siya! Pervert ass!
Tumingin siya saakin with a very weird look which made me stop from slapping his chest, then, he smirked, "Me? Fantasizing over you? No way. I'd rather die than to be with you, Ms. Domingo."
Paano niya nalaman name ko? Hindi ako nakasagot. Pero ininsulto niya ako. Ang sakit nun sa part ko. Tagos to the bones.
"If you're wondering how did I get your name, well it's pretty obvious that you have your id with you, right? I would never fantasize a girl like you. Ang sungit sungit mo. Psh."
"Excuse me, hindi ako masungit! Ikaw ang masungit! Alala mo nung nakasalampak ako sa sahig? You didn't help me. I thought you would. Pero hindi pala! Yang ugali mo 'sing bulok ng hininga mo!"
Pero hindi naman talaga mabaho ang hininga niya, I just did that para mainis siya. Nakita kong inamoy niya ang hininga niya at dun ako natawa! Siya pala ang tanga, e. Perfect definition of stupid!
"Have you been this close to my face for you to know what it smelled like?And, why would I help a clumsy girl? It's your responsibility to stand up for yourself," huminga siya ng malalim, "Because not everytime someone is going to be there just to help you stand up."
Napatahimik ako dun, I mean, kami. Napatahimik kami. Peaceful atmosphere, for the first time. Para bang may ipinagdadaanan siya, pero that doesnt change the fact na masungit siya! Paano ko magagawa ang MOO thing kung ganyan kasungit ang ugali niyan? Ako pa naman ang tipong tao na kaunti lang ang patience.
"But you know what, Domingo," tumingin siya saakin ng deretso, "You are one tough girl. Nobody has ever said those words to me, not even my own mother."
I just looked at him innocently.
Magsasalita pa sana siya kaso lang dumating na si Kimpoy, "Whoops, keri, whoops, keri, whoops!"
Sabay kaming tumingin ni Luke sakanya, "Sorry! Na over-joyed lang."
"Na over-joyed sa what?" I asked with curiosity.
"Magkagrupo kasi ang sections natin nila fafa Luke sa isang school project!"
Sabay kaming napatingin ni Luke at sabay ring sinabi, "School project?"
"Yup! Binigyan tayo ng 21 days to prep things up. What do I mean about school project? We should make a change dito sa school. According to Ms. G, sa loob ng 21 days dapat daw gumagalaw ating oh-so-called school project. This is it, pancit Bes!" Kinilig na sinabi ni Kimpie and with that kilig expression, alam ko na ang ibig niyang sabihin..
Eto na ang chance para gawin ang Moving On Operation. 21 days, this should be worth it. Worth to enjoy, worth to forget and worth to move on.
BINABASA MO ANG
21 days to move on
Fiksi RemajaA girl with a broken heart tries to heal her heart herself. And someone came along who was also brokenhearted. She was put into a mission wherein she will wholeheartedly help the brokenhearted man. But how could she help the brokenhearted man when s...