Chapter 14

149 2 1
                                    

Day 10 - Moving On Operation

"Bes, ano club mo?" Kimpie asked while chewing off his bread.

"At nagtatanong ka pa talaga kung ano ang club ko ha," I rolled my eyes. "Alam mo naman wala akong talent sa sports, junga!"

"Eh, junga ka rin pala! Kaya nga nagtatanong para malaman kung anong sasalihan mo," Hindi natapos ni Kimpie ang sasabihin niya dahil tumawa siya. "Plus, alam kong wala kang talent dyan sa sports. Look at you! Payat-payat, isang sipa lang saiyo ng soccer players.. You'll snap like a twig."

"Kung makasalita sa hindi pagiging athletic ko ha! Ikaw, have you done any sports? No. You haven't. Hanggang fashion club ka lang! Runway runway pa, puros kalokohan."

"Hoy, excuse me! I've played volleyball before," He smirked. "Sumali kaya ako sa Pambansang Laro ng mga Bakla! Mahiya ka!"

Nag-aalitan lang kami at syempre hindi kami nagpapatalo. "Ano ba talaga club mo, Bes?"

Nagbuntong hininga ako, "Photography nga. Alam mo naman yun lang ang buhay ko pagdating sa club day."

"Marami kayang purpose 'yang photography! It takes pictures of us, models," Tumawa ako. "Model ka?"

Binatukan niya ako, "Malamang sa malamang!" Hindi nalang ako nakipag-away at hinayaan ko nalang baka hindi pa magpatigil.

By the way, it's club day. Wednesday ngayon kaya puros excited yung mga tao. At eto ako, grieving about my talents. I wish I was good at sports.

Nasa school grounds kami at nakaupo lang kami ni Kimpie sa bench, "Si Luke kaya, anong club?"

Napaisip ako dun. Ano kaya club ng lokong yun? Halatang magaling sa sports yun. Masculadong-masculado, e. "Ewan." Sabi ko na walang gana.

"Sana fashion club siya! Para may hot kaming model, puros hipon kasi models naming mga taga-fashion club." Pagrereklamo ni Kimpie.

"Kung maka-hipon!" At nagtawanan kaming dalawa.

Habang nagtatawanan na kami, bigla nalang nagbell ang bell. It's a sign na kailangan na naming pumunta sa mga clubs namin.

"Catch you later, Bes!"

**

"Welcome everyone sa Photography Club!" Ganadong-ganadong sabi ng Sir namin sa Club.

Inikot ko ang tingin ko, checking if nandito si Luke. But sadly, wala.

"Oh, Miss Domingo? Sinong hinahanap mo?" Tanong saakin ni Sir. "W-wala po."

"Okay. As I was saying, welcome! For sure hindi kayo magsisi na sinalihan niyo itong club na ito. The experience is worth the journey. Capture life's greatest moments!" At naghiyawan naman ang mga members ng Club.

Pinagpag ni Sir ang pantalon niya and started talking again, "I have great news! Maagang regalo saatin 'to guys."

"Ano po 'yon?" Sabi ng isang babaeng may round glasses. She looks cute.

"We will be photoshooting the Soccer Club!" And once again, naghiyawan nanaman ang mga members. If I know, gusto lang nila magphotoshoot dahil maraming pogi dun. Psh.

"I've talked to their Captain," Napa-giggle si Sir. "And he said, meron daw silang tune-up with the other school. Might as well, take the opportunity right!"

"Nakausap niyo po si Judah? Judah Reyes?" Tanong ng babaeng kong kamember at kinikilig pa. "Yes! Sobrang pogi!"

Wait, tagilid ba 'tong si Sir? Kung makahiyaw parang crush na crush. Baka beki nga. Napatawa nalang ako.

21 days to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon