Chapter 12

150 1 0
                                    

Day 8 - Moving On operation

"Nakakaloka nga yun, Bes! Biruin mo, magkakilala pala mga magulang niyo! Anak ng destiny nga naman, oh!" Sigaw ni Kimpie sa kwarto ko.

"Lower down your voice! Masyado kang maingay! I know right, those were the signs."

"Signs of what? May ganong effect pa." Sabi ni Kimpie habang kumain ng chips ko.

"Wala. Wala." I said para tumigil na si Kimpie.

What I meant was, signs talaga to na we're destined! Destined to be friends! Yun nga lang, mahirap mahalin si Luke. Tigas ng puso. Walang modo.

"Btw, Bes. Meeting tomorrow about sa waiting shed. Kailangan na nating bumili ng materials para sa paggawa ng waiting shed," tumango lang ako. "Plus, don't forget to bring Luke with you. Kasi no buddy --"

Inunahan ko na siya, "No entry."

Natawa naman si Kimpie. Hindi 'to magiging madali. Uunahan ko na si Luke! Pupuntahan ko na siya sa bahay niya. Importante 'tong meeting na ito.

If you're wondering ba't di kami pumapasok because holiday ng school namin. Anniversary ng school. Life is just so good.

I fixed my things and ofcourse myself, "Laters, Bes! Catch you around!"

Tumakbo na ako palabas ng room at tumakbo na papalabas. I heard Kimpie shouting, but I didn't mind it. Today, I am going to Luke. That jerk. Besides, I know where he lives now. Perks of being such an awesome person.

I took a taxi para mas madalian. I told the address and alam niya naman. Nakatira kaya si Luke sa pinakasikat at mamahaling subdivision!

Binaba ni Manong driver ang window niya at nagtanong siya saakin, "Ma'am, kaninong bahay daw po?"

"Valderama." I said with a smile. Luke, get ready for my wrath.

We finally arrived sa house ni Luke. Damn, it's really huge. Nakakalula. And to think, he only lives alone together with his maids. Oh and tita Lucy.

Nag-doorbell ako. Syempre, may respeto parin ako kay Luke kahit kung ano ano na ang ginagawa niya saakin.

I brushed all the dust from my pants and made a smile as their maid open up the door.

"Oh, ma'am! Ikaw nanaman po ulit! Pasok ho!" Sabi ni Manang with her bubbly attitude.

Pinaupo ako ni Manang sa beige-beaded nila na sofa with the chandelier above, "Napadaan po kayo? Si ser Luke nanaman po, 'no? Ikaw ma'am ha!"

Kaloka si Manang. Me liking Luke? No way. Pag tumahol ang kabayo, siguro dun mangyayari yun, "Hindi ah. Partner ko kasi siya sa isang project. Andyan po ba siya?"

"Ah, oo! Tatawagin ko lang po siya," As she stood up. "Hindi na po. Ako nalang po, manang. Thank you po!"

"Manang Erlinda," Pagsabi niya ng pangalan niya. "Salamat po, manang erlinda." And I flashed a smile as a sign of my appreciation.

Dumiretso na ako sa hagdanan at nakakapagod nga naman talaga! Hanggang nakarating na talaga ako sa harap ng pintuan ni Luke. Nadidistract nanaman ako sa nakaukit sa pintuan niya. Aish.

Kumatok ako sa pintuan niya. Masyado naman sigurong bastos kung dirediretso ako papasok, diba? I heard no response. Magfifive minutes na ako nakatayo dito wala paring sagot. Nandito nga ba talaga siya? Baka niloloko lang ako ni Manang Erlinda.

Hindi ko na nakayanan, sobrang tagal na e!

Yung galit na naramdaman ko ay napalitan ng lungkot. Nakita ko si Luke na nakaupo tapos yinayakap ang unan niya. Naririnig ko rin siyang humahagulgol. Anong nangyari.

21 days to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon