Chapter 26

77 0 0
                                    

Day 20 - Moving On Operation

Lelay's POV

This was it.

This was the day that we've been all waiting for.

Ngayon ko lang nalaman na paalis na pala sila Tita Judylyn and Judah papuntang states. Leaving Julia's dead body behind. Nagalit nga ako kasi di ako ininform ni Judah.

Everything changed slowly. Kahapon lang nilibing si Julia, bigla bigla nalang nagsialisan ang iba. Bakit ako nalang palagi ang nakakaramdam ng naiiwanan? First with my mom, slowly with my friends and sino next? Si Luke?

Speaking of Luke, bukas na rin siya aalis. That's why I am preparing myself for reality. Kumbaga, everything was just like a dream. Ako naman, sinulit sulit yung dream na yun.

Habang iniinom ko yung coffee ko, hindi ko namalayan may nahulog na pala na luha sa mga mata ko. For the past few days, iyak nalang ako ng iyak. Nakakainis. Hindi ba napapagod 'tong mga mata ko?

Kinuha ko yung tissue at pinahid sa mga mata ko. Nakakainis. I found myself sobbing inside a freaking coffee shop. I felt everyone looking at me. I felt their pity.

This was just bound to happen. It happened but it wasn't meant to last.

Si Kimpie? Nasa school. Tinatapos yung waiting shed. If I know puro tubig na doon, iiyak-iyak na yun. I will miss everything..

Tumayo na ako at sinuot yung sunnies ko dahil masyadong obvious yung mata ko. I haven't talked to Luke since yesterday. Kahit sinabi niyang hindi ako nagfail, nararamdaman ko parin yung maling nagawa ko sa mission na ito.

I was supposed to help them, not to make one of them cry. Pero hindi naki-cooperate si reality e. Maybe the memories that me and Luke had were the ones I will cherish forever.

Naglalakad lang ako sa mall ng may nakabangga ako. Napaupo pa nga ako sa sahig. Anak ng tokwa, sakit ng pwet ko.

"Sorry miss," He offered his hand. "I-it's okay.."

Nagulat nalang ako ng tinanggal niya yung sunnies ko. Kapal ng mukhang hawakan yung mukha ko! "Lelay?"

Tinaas ko yung ulo ko at nakita ko si first love. Joke. Nakita ko si Brandon. Mas pumogi siya, mas nagmature. Eto ba yung epekto ng pagkawala ko sa buhay niya? Bigla siyang nagbloom? Samantalang ako dito, nalanta.

"U-uy hi. M-musta?" I don't know why I stuttered. "You look sick."

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Yan ang specialty ni Brandon, alam niya kung ano ang nararamdaman ko.

"I do?" Pagtatanong ko. "Yes, Lelay. Kilala ko kita. Sinong g-ago? Ba't ang pula pula ng mata mo and you look pale. Mas pumayat ka, walang ng kinang sa mata mo pagtuwing tinitingnan kita. Bakit?"

I started shedding a tear again. Pesteng luha 'yan. Linalagay pa ako sa alanganin na sitwasyon.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tiningnan ng seryoso, "Sino? Sinong gumawa nito sayo?"

I bit my lower lip and answered, "Ikaw."

Biglang kumunot ang noo niya at tinuro yung sarili niya, "Ako? Paano naging ako?"

I breathed deeply and brushed away the tears from my eyes, "Kung hindi mo sana ako iniwan, edi sana hindi 'to nangyayari saakin ngayon. Hindi ako iiyak araw-araw.. You just left me. Iniwan mo lang ako kasi may minahal ka ng iba. Iniwan mo ako na parang isang laruan. After you're done playing with me, you left me unfixed."

Humahagulgol na ako sa iyak. Si Brandon? Hindi parin naiintindihan yung sinasabi ko.

Siya naman talaga ang rason, di ba? Kung hindi niya ako iniwan bigla-biglaan dati, edi sana walang moving on operation ngayon. Sana hindi na ako nagmomove on, sana hindi na ako nalagay sa ganitong sitwasyon. Sana di ko nakilaka si Luke.

21 days to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon