Chapter 19

123 0 0
                                    

Day 14 - Moving On Operation

"Okay guys, work work work. We only have one week left para matapos 'tong waiting shed. Wala ng arte arte, gorabells!" Sabi ng napaka-energetic na si Kimpie.

Naweweirdohan nga ako. Kasi nung last two days, ang emo emo. Tas ngayon, energetic? Ano kaya pinanggagawa netong baklang 'to?

"Hi, Bes! Nakatunganga ka lang dyan? Stunned because of my beauty?"

"Hindi. Wag makapal. Teka nga, ba't ang energetic mo? Naka-move on ka na ba?" Tanong ko. Hello! Nagtataka ako. Kasi pag si Kimpoy naging emotional, mahirap suyuin yan.

Tumawa siya tapos sinapak niya yung likod ko, "Aray ha! Ano ba kasi!"

"Bes, hindi mo ba alam? Nung araw na kinausap tayo ni Luke or yung nagwalk out moment ako kasi sinuyo ako ni Luke. Sorry pala ha! Hindi kita nasamahan pauwi. Ahh! Kiligers!"

Ang ingay! Seryoso! Hanggang ngayon sumisigaw parin si Kimpoy.

"Eh ikaw kaya, Kimpoy? Magsimula ka na kaya sa pagtratrabaho? Ingay ingay. Akala mo naman nakajackpot ng Amerikano." Sabi ng classmate namin. Haha! Nice one!

Napatingin si Kimpoy sa classmate namin, "Hoy, Bea! Wag mo sirain yung moment ko! Inggit ka lang kasi hanggang ngayon wala ka pang boylet!"

Sumama rin ang tingin ni Bea kay Kimpoy, "Excuse me! Atleast yung beauty ko hindi exotic! I'm just waiting for the right time. Pwes, hindi yun ngayon. Sorry ka."

Lahat kami nagtawanan pero si Kimpie hindi. Nanatiling nakasimangot kay Bea.

"Sige na bes at Bea, trabaho na tayo. Mix nyo na yan para sa base ng waiting shed." Sabi ko para kumalma na silang dalawa. Kaloka, nakakaputi ng buhok.

Kinuha ko lang yung materials sa Storage Room nagsalita naman bigla si Kimpoy, "Ipagpapatuloy ko lang ang mahiwaga kong storya. Pumunta kami dun sa Teacola na shop. Kinausap niya ako at sabi niya sorry daw dahil kailangan niyang umalis. Bilang Kimpoy Li, syempre nagpakipot pa ako. Pero sa huli, bumigay na din ako. Bumigay na din ang beauty ko."

Napatawa ako.

"Sige bes, una na ako. Kailangan ko pa sila tulungan. Byers!"

Tuluyan na akong iniwan ni Kimpoy Li at kinuha ko nalang ang mga gamit sa storage room para sa mga materials. Chaka! Ang raming dadalhin. Kaya ko ba 'to? Nakng.

Kinuha ko na ang mga gamit pati sa mga paa ko ay nakaipit ang mga gamit. Mukha tuloy akong penguin na naglalakad sa hallway.

Dahil hindi ko na kinaya, nagsihulog na ang mga gamit. Napasigaw ako sa inis. Wala akong narinig kundi ang sarili kong echo. Mas nainis ako lalo.

Wala akong choice kundi kinuha ko nalang ang mga gamit, "Nakakasira ng araw. Asar!"

Habang pinupulot ko, napapansin kong paunti ng paunti ang pinupulot ko. Marami yung nahulog ah? Bakit ba ako nagwoworry eh mas maganda nga yun, konti nalang ang dadalhin ko. Mwahaha! Napangiti nalang ako.

"Why are you smiling?" Napatigil ako sa paglalakad nung narinig ko yung boses na yun.

Napaharap ako sakanya at nakita ko si Luke, dala dala niya ang mga gamit na dinala ko kanina. Mukhang siya ata yung pumupulot nung iba.

"Oh? Akin na nga yan! Dadalhin ko pa yan sa shed." Pagmamaldita ko. Sorry naman, nanenerbyos lang.

Aabutin ko palang yung mga gamit na hawak niya ay bigla niyang tinaas ang kamay niya, "Ano ba! Akin na!" pag rereklamo ko.

Para akong junga na talon ng talon para abutin yung gamit na hawak niya. "Amina!" Inaabot ko parin. Ang tangkad niya kasi. 6 footer ata eh ako 5 footer lang.

21 days to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon