Day 15 - Moving On Operation
How do I change Luke's mind? Napaisip ako ng matagal. Paano ko ba siya mapipigilang pumunta sa australia? Gusto ko lang naman tulungan si Tita Lucy.
Day 15 na pero wala parin akong kaplano-plano sa gagawin ko. Eto na nga yung sinasabi ko eh, pinasok ko tapos ngayon hirap na akong lumabas.
Nagbabasa lang ako ng libro ng biglang may humampas sa lamesa, "Ay kabayong butiki!"
"Ano kamo? Sa gwapong 'to? Magmumukhang kabayo at butiki pa! Pumunta ka nga sa optician, para sa siguraduhan lang." Tumawa si bakulaw.
"Ano kelangan mo, Judah?" Mataray na tanong ko sakanya. Nananahimik ako ditong nagbabasa ng libro tas ngayon guguluhin niya ako? Mamaya nalang, may quiz pa kami sa math.
"May pinapasabi lang si future," Kumunot yung noo ko. "Future?"
"Oo. Si future boyfriend mo! Slow mo talaga," Asar na sagot ni Judah. "Sinong future boyfriend ko? Junga ka pala eh!" Sigaw ko at sinuntok yung kaliwang braso niya.
"Sino pa ba? Edi si..." Umupo siya ng maayos, pinagpag yung katawan niya at tinono yung boses niya. "Si fafa Luke!"
Tiningnan ko siya ng masama. May future future pa siyang nalalaman. Nako! Isusumbong ko 'to kay Kimpie kasi ginaya niya pa yung boses ni Kimpie.
"Okay fine. Pinapasabi ni Luke, after class magmeet daw kayo sa parking lot. Makikita mo daw yung porsche na kulay red." Talagang may porsche pa ha! "Para saan daw?"
"Ewan ko? Basta pumunta ka nalang. Mukhang may lakad kayo ah. Sama mo naman ako," Pagmamakaawa niya. "Teka, ba't di siya mismo yung nagsabi saakin?"
"Ewan? Torpe siguro. Hirap na yung mga ganyang lalake. Buti pa ako, vocal. Love you, Lelay!"
Babatukan ko na sana siya kaso bigla siyang tumakbo papalayo. Parang bakla! Di na ako magtataka kung isang araw eh may dalawa na akong kaibigang bakla.
Bakit kaya ako pinapapunta ni Luke? Yun ba yung sinasabi niyang 'hangout sometime' yun ba?
Ibinalik ko nalang yung atensyon ko sa pagbabasa ng libro. May math quiz pa kami mamaya. Actually wala, hinahanda ko lang yung sarili ko dahil si Ms. Jimenez mahilig bumigay ng mga surprise quizzes. Hello, kailangan kong imaintain ang honor roll ko.
Nasa classroom ako ngayon. Sobrang ingay ng mga classmates ko, kaya napagdesisyunan kong pumunta sa library. Tutal wala pa naman si Ms. Jimenez.
Habang naglalakad ako papunta sa library may nakabangga ako. Aray naman. Nakasalampa yung pwet ko sa sahig.
"I'm really really sorry, dear." Sabi ng babaeng maganda saakin. "A-ah, a-ayos lang po."
Ang ganda niya ah. Pero matanda na siya pero hindi halata! Parang nastarstruck ako sakanya. Napatingin ako sa mga mata niya at ang lalim.. Parang may sinasabi yung mga mata niya. May nararamdaman akong kakaiba nung tumingin ako sa mga mata niya.
"Una na ako, iha. I'm really really sorry." at tuluyan na siyang umalis.
Nung bumalik na ako sa katinuan, pinulot ko yung mga librong nahulog. Loka to si ate, di lang man ako tinulungan. Hmpp. Bahala na nga.
Habang pinupulot ko yung mga acad books ko, may biglang pumatong sa kamay ko. Napaangat ko yung ulo ko at malapit na akong mahimatay.
"You're so clumsy. Pagtuwing magkikita tayo, palagi nalang may nahuhulog?" Sabi niya. Hindi ako makapaniwala, nagtatagalog na siya. Laking amerikano 'to eh!
"H-ha?" Nauutal kong sabi. "Baka pati ako, mahulog na din." Banat 101 ni Luke Valderama. Ha ha ha.
"Why are you not speaking in english?" Tanong ko. Ako nanaman etong nag-eenglish. Bumaliktad na ata ang mundo. "I just don't feel like it. Anyways, I'm taking filipino classes now."
BINABASA MO ANG
21 days to move on
Novela JuvenilA girl with a broken heart tries to heal her heart herself. And someone came along who was also brokenhearted. She was put into a mission wherein she will wholeheartedly help the brokenhearted man. But how could she help the brokenhearted man when s...