Chapter 9

184 2 0
                                    

Day 5 - Moving On Operation

"Class, open your book in pages 156."

Psh. Another boring school day. Kami ni Luke? No progress. Ang sungit parin ng loko. I don't even know what I am gonna do. Puros kasungitan lang ang alam gawin. Pero kinakaya ko namang tiisin.

Si Brandon. Di parin siya naaalis sa puso't isipan ko. Ang hirap. Aish ano ba. Naluluha nanaman ako.

Hindi ko naman mapigilang maisip kung sino ba yung ibang mahal niya. Kung sino yung pinalit niya sa beauty ko. Kapal ng mukha iwanan ako. Tss.

"Ms. Domingo!" Sigaw ni Ma'am saakin. Bigla naman ako napastraight ng upo dahil sa gulat.

"Ba't ka nanaman ba nakatunganga dyan? I said open your book in pages 156! Sino bang iniisip mo? Halos araw araw nalang, Lelay."

"Sorry, ma'am." Paghihingi ko ng paumanhin sa ginawa ko.

Tumango naman ang aming professor at nagcontinue na sa pag discuss.

Nagulat nalang ako ng may nangalabit saakin, "Dalawang lalake."

Si Kimpoy. Anong dalawang lalake? Gulo nito.

"Ha? Di kita ma-gets." Pagrereklamo ko.

"Dalawang lalake ang bumabagabag sa isipan mo. Hirap 'no?"

Tiningnan ko nalang ng masama si Kimpie at nakinig ulit. Oo, sobrang hirap.

Dalawang lalake ang iniisip ko. Si Luke at si Brandon. Si Brandon ang priority ko dati at si Luke na ngayon. Pero ang hirap limutin ang mga alaala namin ni Brandon.

"I remember when I was a teenager," bigla naman naghiyawan mga classmates ko. "Chill, class. For sure makakarelate kayo."

"Back when I had no wrinkles yet," nagtawanan ang mga classmates ko. "I used to be so inlove with a very impossible guy."

Bigla napukaw ang atensyon ko kay Ma'am Lotlot..

"Sikat siya at my time. And a lot of girls are coming after him. And I was just another girl in the crowd. Until one day, everything changed," nagbuntong hininga si ma'am, "I figured out that he had a secret relationship with his co-worker. It came to shock everyone and ofcourse, it came to shock me."

"I got sad, frustrated. I was so silly back then. I had to move on even though we didn't had anything. That's what you call being a fan. Because of him, my dull world became vaguely the most colorful world I ever had. And because of him, too.. It became dull again.

"But you know what, I chose to move on. Hindi pwede na hanggang dun lang ako palagi dun sa moment na yun. There's more to life. Diba, girls?" At naghiyawan nanaman ang mga babae. Todo relate naman.

"And someone came into my life, and changed my world once again. And he is my husband until the present day which is today."

Ang ganda naman ng love story ni Ma'am Lotlot. Sana akin ganun din. Pero parang baliktad ang story ko sakanya, magkabaliktad. Sakanya, nauna siyang nahulog sa artista. Pero ako, nauna akong nainlove sa normal na lalaki. Ugh.

"So, that's it. Everyone has their own story entitled for them. And you guys and girls, have one too. You just have to wait for the perfect time and let all the magic begin."

Lahat napatahimik dahil sa sinabi ni Ma'am Lotlot. Relate na relate ang mga loko.

"Ang kulit niyo talaga! Pag mga ganitong topic, interesadong-interesado kayo. Pero pag history class, wala na. Going back!"

**

Nasa isip ko parin ang sinabi ni Ma'am Lotlot. Siguro nga may sariling love story ako at para saakin lang talaga! At hindi si Brandon yun, someone better nga. Baka si Luke? Joke!

"Bes, what is up with you? Baliw ka."

Lumingon ako sa nagsasalita, "Kimps, nakita ko si Brandon yesterday."

Bigla naman nabuga ni Kimpoy ang iniinom niyang coke diet, "Seriously? Ano sabi mo?"

"Natural, wala."

"Bakit naman?!"

Kung makasigaw, "What's the use? Nagmomove on na nga ako, diba?"

I saw Kimpie smirked, "That's my girl!" At nginitian niya ako.

Tumahimik na kami ulit ni Kimpie at kinain ang school lunch.

"Anyway, bes. Alam ko na ang pangalan ng ex ni Luke!"

Napatingin ako agad agad kay Kimpie, "Sino?!"

"Julia. Julia is her name. Super ganda niya! Mas maganda pa sayo. No wonder ang sungit ni Luke saiyo."

Sinamaan ko ng tingin si Kimpoy, "Don't worry! Ikaw naman ang pinakamaganda sa mga mata ni tito Ben."

Binatukan ko siya, "Malamang! Tatay ko yun! Baliw!" at nagtawanan kami.

Kaloka talaga 'tong bakla na 'to.

Kinurot naman ako ni Kimpoy, "Bes! Puntahan natin si Luke! As usual, tulog nanaman. Pero let's go!"

Hinila na ako ni Kimpie without waiting for my answer. Banas 'to!

"Hi, Luke!!"

No response.

"Luke?"

"Mmm.." Ew! Naglalaway na si Luke! Tulog mantika lang, sobrang pagod siguro sa mall show. Ba't pa siya nag-aaral?

Bumulong si Kimpie, "Shet! Ang hot! Sizzles!"

"Kadiri 'to."

Tiningnan lang namin si Luke habang natutulog siya sa lamesa ng nakaduko. Pogi talaga. Wait, what?

"Pogi." Sabay na sabi namin ni Kimpie.

"Exceptional." Sabi ni Kimpoy.

"Masungit, pero he's every girl's goddamn dream. Bakit ganon?"

"Bes, hear him out. Listen to his story. Sabi ko naman saiyo kaya nagkaganito yan dahil kay Julia."

Yes, Kimps. I get it.

Bigla naman kami napatigil dahil nagsalita si Luke, "What are you guys doing here?!"

"Malamang, tinitingnan ka."

"Shut up, Domingo."

Natawa naman ako, this stoic guy with his agonies.

"Luke, nandito kami dahil may sasabihin kami." Kilig na sabi ni Kimpoy. Seriously, kimps? Martyr ka!

"What is it?"

"May meeting tayo bukas, about sa waiting shed. Hoping you could come. I mean you and lelay should come! Since kayo ang magbuddy. No buddy, no entry."

"Wow, Kimps. No i.d no entry lang ang peg dito? Malamang hindi yan pupunta! Palaging tulog!" inis na sabi ko. Totoo naman e.

"Bes, responsibility mo. Not mine."

Sinamaan ko ng tingin si Kimpoy. Kahit kelan talaga! Linipat ko nanaman ang tingin ko kay Luke at sinamaan ng tingin.

"You better come."

"What if I don't want to?"

"Then, I'll haunt you down!"

"Weh?" Sabi niya. Ang cute, shemay. Must.not.fall.for.that.cuteness.lelay.

"Hindi ako nagbibiro dito, Luke! Importante yung meeting na yun saakin, saatin!"

"So what? So what if its important to you? Its not important to me, Domingo." then nag half-smile siya.

"For our grades!" Consistent valedictorian kaya ako!

"Grade concious."

Inis na inis na ako. Kaya hindi ko napigilang kurutin siya. Dahil dun, tumakbo siya. At dahil inis na inis nga ako, hinabol ko siya habang sumisigaw na,

"DAPAT PUMUNTA KA! WALANG HIYA!"

21 days to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon