Chapter 24

85 0 0
                                    

Day 18 - Moving On Operation

"O ayos na ba ang lahat? Yung tables, yung venues, yung pagkain, yung waiters? Ayos na ba? Kailangan perfect 'to! Ano! Sumagot ka, Judah! Ayos na ba?" Sigaw ko. Natataranta na ako dito tas si Judah pa-chill chill lang. Nakataas pa yung paa niya sa lamesa at kumakagat ng toothpick.

"Eto," Tinapunan niya ako ng judge na bubblegum. "Magrelax ka nga."

Wala na akong choice at kinain yung bubblegum. Ngayon kasi namin ginawa yung venue para makapagusap sila ng masinsinan ni Julia and Luke. Pagod na ako, pagod na ako sa mga nangyayari kaya mabuti pa't tapusin na.

"Asan na yung kapatid mo?" Tanong ko. Six o'clock kasi yung usapan namin e. Hindi alam ni Julia at Luke na sila pala ang magkikita. Hahaha!

"Pwede ba, Lelay? Huminahon ka. Inhale, exhale," Tinuruan pa ako ni Judah kung paano at ginawa ko nalang.

"Eh si Luke, handa na ba?"

Napaisip ako sa tanong ni Judah. Di ko alam. Si Kimpoy ang sinabihan ko na ipasabi kay Luke, aba malay ko naman kung ginawa talaga ni baklita. Sana naman ginawa niya. Huminga ako ng malalim.

Maybe after they talk, makakatulog na ako ng mahimbing. Masasabi ko na rin sa sarili ko, "Finally, tapos na din ang lahat" sana ganun lang kadali, sana maging successful 'to.

Love isn't all about happiness. Yan ang natutunan ko. Kung kelan liligaya na kayo, e dun pa biglang may eeksena para sumira. Yun ang mga nangyayari kadalasan. Simply because God is just testing us, testing us how strong enough we are to hold on.

Pero sa kalagayan ko, I don't think I could hold on any much longer. Kaya nga sinet up na namin 'tong date na 'to, para makapagusap na sila. Para matapos na ang lahat.

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang nagsalita yung bakulaw, "Paalala lang ulit, bawal ma-stress si Julia."

Paulit-ulit? Kanina niya pa yan sinasabi saakin. Actually hindi lang kanina, ilang beses na pagtuwing magkasama kami. Ganun na ba ako katanga para hindi maalala yun? Siyempre di malulungkot si Julia ngayon, paniguradong uuwi siya ng masaya.

Gabi-gabi di na ako nakakatulog. Palagi ko nalang iniisip kung what if hindi nag-hiwalay sila Julia and Luke? Edi sana hindi ako nadadamay sa gulong ito. Pero wala e, nangyari na e. May sakit si Julia.

"Uminom ka nga muna. Parang natutuyo na yang utak mo sa kaiisip."

Kinuha ko yung inabot ni Judah at tinungga ito dire-diretso. Woah, ganito na ba talaga pag super worried? Nakakagawa ng mga bagay na impossible?

"Ma'am, ayos na po ang lahat. Bale six o'clock nalang po kayo bumalik para sa final set up."

Nakahinga naman ako ng maluwag. Tiningnan ko si Judah at walang ka-ekspresyon yung mukha niya.

Pagkatapos nun e umuwi na kami, habang nasa sasakyan biglang nagsalita si Judah, "Ano na mangyayari pagkatapos nito?"

Tiningnan ko siya. Hindi ko alam, Judah. Hindi ko alam.

"It's either masaya tayong uuwi, o magsisisi sa maling diskarte."

**

Luke's POV

"Sige na fafa Luke! Pumunta ka na, dito mo mahahanap yung kaligayahan mo. Remember? Happiness?"

Kimpoy's been bugging me since yesterday. For all I know, he's been saying I will find my mere happiness if I attend to whatever place he's saying.

I'm tired. 3 days left and I am out. Out of this mess. A mess that I couldn't handle with my bare hands.

"Tss," is all I answered to all his rants. Telling him to shut the hell up but he just wouln't.

21 days to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon