Chapter 21

109 0 0
                                    

Day 16 - Moving On Operation

5 days. 5 days nalang ang natitira para matapos 'tong operation na 'to. 5 days nalang din ang natitira at baka aalis si Luke. Nagpangako ako na babaguhin ko yung desisyon niya. Pero ba't ganon? Parang ang hirap hirap gawin? Hirap gawin lalo na't alam mong may iniibig si Luke. Iniibig niya parin si Julia at nahihirapan siyang makalimot.

Pero para saan pa ako? Kailangan kong ipatikim kay Luke kung ano ba talaga ang tunay na ibigsabihin ng Pagmamahal. At hindi si Julia yun, hindi niya mararamdaman kay Julia yon. Saakin siguro, mararamdaman niya. Joke joke lang!

"Anong agenda natin ngayon Ser Luke?" Pagbibiro ko sa napakasungit na si Luke Valderama. Umagang umaga nakasibangot. Aba ayos!

Sabi niya kasi saakin na simula daw ngayon palagi na kaming may lakad. Gusto niya sulitin yung mga araw kasama ako este yung mga huling araw na nandito siya incase man hindi ko daw mapabago yung isip niya.

Oo tama kayo, yun ang role ko sa buhay niya. Entertainer. Ginagawa ko lang naman 'to para kay tita Lucy 'no atsaka ayoko rin na umalis si Luke. Sobrang cheesy na ba? At para rin makalimutan niya si Julia. Kumbaga, user sila. Ginagamit lang nila ako. Chos! Joke lang.

Ininom ni Luke yung kape niya at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa ng dyaryo. Wala ba siyang narinig? Bingi?

Sa sobrang inis ko kinuha ko yung newspaper at tiningnan siya. Pagtingin ko sakanya, galit ang bumungad saakin. "What the hell, Domingo?!"

"What the hell domingo," Pangagaya ko sa boses niya. "Arte mo. Asan lakad natin ngayon, Ser Luke?"

Saturday ngayon kaya free day namin ngayon. Eto si Luke, sabi niya may lakad daw kami. Tas ngayon, pagtinatanong ko kung ano ang lakad namin, walang maisagot. Sarap batukan, mga sampo.

"Let's play a game," Diretsahang sagot ni Luke. "Yey! I love games. Anong klase? Patintero? The boat is sinking? Pass the message? O.. Di kaya, Bring me? Ano! Ano!"

"The game is called the Silent game. Wanna know the mechanics?" Tumango ako. Heller, never ko pa kayang narinig kung anong klaseng game yan. "Here it goes, the person who doesn't talk for the longest time wins."

Ang boring naman.

"Paano kung hindi nakayanan kaya nakapagsalita na yung isang tao?" Nag-smirk siya saakin. "Well, that person will face the consequences."

"Such as?" I suck at this game. Biruin mo, kung sino daw yung pinakamatagal na hindi magsasalita ay yung mananalo? Di ko kaya yun. Para saan pa ang bibig diba?

"Such as taking the person to the mall, and treat the person an ice cream."

Teka, ice cream ba kamo? Game ako dyan. Itaya mo na lahat ng meron saakin para dyan sa ice cream na yan!

Tumawa si Luke at nagseryoso na ng tingin saakin, "Ready," Tiningnan ko rin siya ng maigi. Akala niya siya lang ha! "Set."

Sabay naming sabi, "Go."

At ayun nga, tahimik lang kaming dalawa. Medyo ako nga ang lugi dahil wala akong magawa. Si Luke nagbabasa ng dyaryo at meron pa siyang dalang isang series ng mga libro. Ano 'yon? Perceil Jackerson ba 'yon? Di ko masyado nakita yung series, e.

Tiningnan ko lang si Luke, ang daya! Wala akong magawa. Atsaka di ako magaling sa mga ganito. Talkative ako na tao. Para tuloy akong baliw, kinakausap ang sarili ko.

Maya-maya't linabas ni Luke yung mga libro niya. Nakakaloka, bookworm pala 'tong si Luke? Sabagay pag artista ka talaga wala ka ng magagawa kundi magbasa. I feel sorry for him.

Tiningnan kong maigi yung name ng series. Ay! Percy Jackson pala. Sorry naman! Di ko nakita ng maayos. Di ako mahilig sa mga ganyang genre ng mga libro. Yung mga binabasa ko kasi mga Physics, Trigo, History books. Yung mga academic related.

21 days to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon