Chapter 6

201 4 0
                                    

Day 2 of 21 - Moving On Operation

"Waiting shed? That's a great idea!" Sabi saamin ni Ms. G. Ngumiti naman kami.

Nasa office kami ngayon. We reported the waiting shed idea that we had galing kay Luke. We all thought it was a great idea, dahil parang necessity talaga siya ng school.

"Whose idea was this?" Tanong ni Ms. G saamin. Lahat naman kami tumingin kay Luke at itinuro siya.

"So it was your idea, Mr. Luke? Nice! Good job. Sige, you better plan it out guys. Especially mga graduating na kayo. You have to make this year memorable and you have to leave a legacy by putting up your very own school project. Sige, dismissed. See you." At nagsitayuan na rin kami.

Pinagpag ko ang skirt ko nang biglang nagsalita si Kimps, "Okay. We will have our buddy system."

"Buddy system?''

"Narinig mo naman siguro yung sinabi ko, diba? Yes. A buddy system. Kailangan by partner partner etong school project natin. We have to organize things. Ikaw Carmina, partner ka with Clarisse."

"Ikaw pipili ng partners namin?" Takang tanong ko. Kailangan ba talaga yan? Yang buddy system na yan? Psh.

"Oo, ako. And you, Lelay, partner ka with Luke."

With who daw? Kay Luke? No. No. No. No. Way!

"No." Sabay naming sabi ni Luke. See? We both agree na hindi dapat kami ang maging partners!

"Hindi naman natin kailangan yang buddy system na yan, Kimps! We can all work on this project together!" Pangangatwiran ko.

"No, Ly. Kung lahat tayo magwowork together, medyo magkakagulo. So, it's better to work by pair. Sa ayaw't sa gusto niyo, kayo ang pair." Mataray na sagot ni Kimpoy.

I raised my hand and said, "No way, Kimps."

Nagulat nalang ako ng bigla akong hinila ni Kimpoy sa isang corner, "Bes, I'm doing you a favour! Ba't palagi mo nalang nakakalimutan etong Moving On Operation natin? Bes, please! Paganahin mo utak mo, Ly!" Nangagalaiting sabi ni Kimps.

Tama. Nakalimutan ko nanaman na I'm doing this for my own good. Aish. Masyado na kasi akong makalimutin. I hate it.

Tumango nalang ako, "Fine! Nakakalimutan ko kasi 'tong Operation natin dahil naaalala ko yung pagkamaldito niya. Sorry."

Tumango nalang si Kimpoy at bumalik na kami sa table at umupo, "Gaya nga ng sabi ko, Luke and Lelay kayo ang magpartner. Magbuddy for the whole school year. Next.."

Tiningnan ako ni Luke at nagsmirk, "Ano tingin-tingin mo dyan? Pwe!" Pagtataray ko sakanya. Whoops, sorry. Bad mood lang talaga ako ngayon. Kailangan ko talaga munang mag chill off.

I should be kind to him as much as possible. Kaya ko 'to! Ako pa! May fighting spirit ata ako. Basta, kusa ko lang yan siya maiintindihan. Pero not now, dahil super bad mood talaga ako.

**

Nasa park ako ngayon. Tumingin tingin ako sa paligid ko at nakita ko si Luke na nakaupo sa damo. Nakaupo lang siya dun at para bang ang tahihimk ng buhay niya. Gusto ko in ng ganun! Inggit ako.

Di ko namalayang nakatitig lang pala ako sakanya. Hindi kasi siya nakakasawang titigan, honestly. Kaso lang on the other hand, masungit e! Dun tayo natuturn off.

Nagulat nalang ako ng may tatlong babaeng lumapit sakanya. Mga babaeng mga mukhang clown. Ginawang coloring book ang mga pagmumukha nila. Hays.

Lumapit ako nang kaunti para marinig ko ang sasabihin ng mga clown este mga girls pala, "Hi Lukey."

21 days to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon