Chapter 10

179 2 1
                                    

Day 6 - Moving On Operation

"Okay, buddy mo? Check. Pasok na."

"Next. Buddy mo, andyan? Okay, check. Pasok."

"Buddy mo? Alright. Pasok."

Sisingit sana ako kaso lang, "Lelay. Buddy mo?"

"Ah-eh.. Nag-cr. Natatae daw, e." Pagkukunwari ko. Hirap pa naman makatakas kay Kimpie.

"Lies. Asaan buddy mo, Lelay?"

Makakatanggi pa ba ako? Si Kimpie kaya ang kilalang-kilala ako. He knows everything that I do.

"Ugh. Fine. Wala pa siya. What do you expect."

"Then find him."

"Hindi na! Hirap hanapin mo. Baka tulog, nakakatamad kaya --"

"Find him. No buddy, no entry."

"Kimps. Its No i.d, no entry."

Tingnan niya ako ng masama, "My rules. My decision. No buddy, no entry. Chupi! Go look for him!"

Tinulak ako ni Kimpie papalayo. Do I have a choice? Hahanapin ko talaga yun. Ano ba, wala pa naman akong number ni Luke. Why didn't I ask it in the first place? Junga-junga, Lelay.

Naglibot na ako sa buong school grounds. And guess what, He is nowhere to be found. That little twerp! Pinapahirapan talaga ang buhay ko. Dapat nasa loob na ako ng meeting place, listening. Pero tingnan mo kung nasan ako ngayon, nakatayo sa school bench screaming for Luke's name.

"Luke Valderama! Where art thou?!" Paulit-ulit ko yang sinisigaw. Wala namang masyadong tao dahil saturday ngayon. Probably, mga athletes lang ang nandito and ang mga fourth year.

"Luke! I hate you! You made me look so haggard! Asan ka na kasi!" Nangagalaiti kong sigaw. Kainis!

Sisigaw pa sana ako kaso lang biglang may nagsalita, "Di ka ba napapagod?"

Tumingin ako kung saan nangagaling ang boses lalaki na iyon, "Hindi."

Ang pogi niya. Fresh from soccer look lang ang peg! May halo atang belgian or german? Or whatsoever. Aish! Kung ano ano na ang iniisip ko. Ang priority ko ngayon is si Luke. That guy!

"Para kang tanga, waiting for something na hindi naman darating," umupo siya. "Psh. Girls."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya Pogi, "Excuse me?! Alam kong haggard ako, pero calling me tanga? Nah-uh, honey! You've crossed the line! Stop judging me ha! Hindi mo alam kung gaano kahirap maghintay sa isang tao!"

He showed me his crooked smile, "Girls."

Bumaba ako sa kinatatayuan ko at hinarap siya, "You better shut the hell up! Mainit ulo ko ngayon, so you better not intrude in! You monk!"

Oo. Mainit ang dugo ko. Kumukulo na nga e. First, hindi na nga ako nakapasok sa meeting namin because of that Luke guy. Second, kailangan ko pa siyang hanapin dahil priority ko siya. Third, while looking for Luke, this guy had to show up and made things worse! Great, just great.

He chuckled as if he didn't care, "Girls. Sino ba kasing hinahanap mo?"

"Pakialam mo?!" Pagtataray ko. Sorry, pero hindi naman ako ganito. Sadyang, it's just a bad day.

"Tss. Ayaw mo pa? Ikaw na nga ang tinutulungan. Malay mo, kilala ko yang hinahanap mo. I know everyone here."

Bigla namang bumaba ang pride ko. Yes. Sometimes you have to sacrifice little things in order for you to find what you are looking for. "Fine. Luke. Luke Valderama."

21 days to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon