Chapter 23

91 1 1
                                    

Day 17 - Moving On Operation

Monday.

Mas pinili kong wag muna pumasok sa school. Plus, di rin masyadong maganda yung pakiramdam ko. Feeling ko nga may sinat ako.

"Achoo!" Agad-agad akong kumuha ng tissue sa tissue roll at nagpunas ng ilong. "Anak?"

Napaangat ako sa pagkakayuko ng biglang sumilip si papa sa pintuan. Narealize ko, patuloy na palang tumatanda si papa. While we're busy growing old we often forget that our parents are growing old, too.

"Pasok, Pa," Pumasok siya at tinapik ko yung gilid ng kama para senyasan siya na dito umupo. "Mukhang magkakalagnat ka ah. Bigla biglaan ata?"

Ewan ko nga rin ba't ako nagkasakit ng ganito. Meron naman talagang ganito na incident. Nagkakasakit lang biglaan.

"Huhulaan ko," Panimula ni Papa at hinimas-himas niya pa yung baba niya na parang nag-iisip. "Number one, lalake."

Napaubo naman ako ng napakalakas, "Number two, babae."

Sinamaan ko ng tingin si Papa, "Anong ibig mong sabihin, Pa --" Pinutol niya yung sasabihin ko at nagsalita ulit, "Number three, sarili mo."

Lalake, babae at ang sarili ko? Ano namang konek nun sa pagkakaroon ko ng sakit ngayon? Aba matinde.

"Lalake, babae at ang sarili mo. Kaya ka nagkakasakit ng ganyan. Nag-oover think ka kung anong mangyayari sa susunod na mga araw," Nag-blow ulit ako ng sipon. "Ano namang konek nun sa sakit ko? Kainis ka, Pa! Pinapasakit mo pa ulo ko, e!"

Umupo siya ng maayos at itinayo ang hintuturo niyang daliri, "Lalake. Si Luke Valderama, nag-aalala ka para sakanya. Sa mama niya at sa mga taong nagmahahal sa kanya. Dahil sa isang babae,

Babae. Si Julia. Yung babaeng minamahal ni Luke na handang gawin ang lahat kahit sabihan pa siya ni Julia na kumain ng tae," Natawa ako. "At ang sarili mo. Naguguluhan ka bakit ganon nalang ang desisyon ni Luke. Naguguluhan ka kung bakit kaya niyang talikuran ang lahat para sa isang babae."

"Kaya ka nagkasakit. Yan ang nagagawa ng pag-ibig sa buhay natin."

Bakit ganon? Parang tugma lahat ng sinasabi ni Papa. Kaya lang naman dun sa dalawang yun e kaya ako nagkasakit. But I never considered myself as a reason. "How'd you know pa?"

"Baka nakakalimutan mo, Lelay. Anak kita. Nalalalaytay ang dugo ko sa mga dugo mo."

Napayakap ako kay papa at napaluha, "Gulong-gulo na ako pa. Bata palang ako pero mukhang mas rarami pa yung magiging puting buhok ko."

"Kung gulong-gulo ka na, ba't hindi mo itigil?"

Bigla akong napaisip dun at natahimik bigla. Ba't hindi ko nga ba kayang itigil? Pwede ko naman sabihan kay Tita Lucy na hindi ko na kayang gawin. Pwede ko naman itigil dahil may karapatan ako. Pero ba't hindi pa ako tumitigil?

21 days to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon