Chapter 22

94 1 0
                                    

Day 16 - Moving On Operation

 

Sunday Morning rain is falling..

 

5:00 am palang gising na ako. Si Kimpoy kasi pinaearly assembly kami ng mga fourth year. Para daw sa waiting shed namin. Kay tagal tagal na. Nag-unat ako at tiningnan ang paligid. Present si Judah, Kimpoy. Pero parang may kulang? Bakit ako nakakaramdam ng kulang?

 

"Looking for Luke?" Napahawak ako sa dibdib ko nang may nagsalita sa likuran ko. "Ano ba, Judah! Papatayin mo ba ako sa gulat?"

 

Tumawa siya at kiniliti yung tagiliran ko. Oo, tama. Si Luke ang nawawala. Napakunot naman yung noo ko. Asan nanaman kaya yun? Inikot-ikot ko yung tingin ko, baka sakaling makita ko siya.

 

"Ops ops ops, baka mahilo ka niyan. Chill lang! Kung si Luke hinahanap mo, sabi niya saakin he can't come. O, inenglish ko pa para sayo," Piningot ko yung tenga niya sa sobrang inis. "Aray naman, Ly!"

 

"Bakit hindi siya makakapunta?" I asked with a tone of sadness. "May aasikasuhin daw siyang importante."

 

"Bakit di niya saakin sinabi?" Bigla naman akong tiningnan ni Judah ng masamang nakakaloko. Oy oy! Wala akong masamang intensyon ke Luke! Bastos na bata!

 

"Sinasabi ko na nga ba e, may gusto ka kay Luke! Wag defensive!" Wtf. Baliw ata 'tong lalakeng 'to e! Nagtatanong lang!

 

"Pwede ba! Kaya lang naman ako nagtatanong kasi buddy ko siya! Masyado kang malisyoso! Alam mo namang no buddy no entry dito!" Sinigawan ko siya. Umagang umaga pinapahighblood ako ni Mokong. "Oh chill!"

 

Pinaghahampas ko siya ng kamay ko. Kainis! "Okay, kaya lang naman niya saakin sinabi kasi makikipagusap siya sa --"

 

"Okay guys! Pila na! Tatapusin natin ang waiting shed ngayong araw. Exempted si Luke kasi may ginagawa siyang importante. Magpapalibre nalang tayo sakanya ng mcdo, agree?!" At naghiyawan ang mga palaka. Pasimuno talaga 'tong si Kimpoy, e.

 

Hindi natuloy ni Judah ang dapat niyang sasabihin. Tatanungin ko sana siya ulit pero naka-alis na. Bilis naman nun? So ayun, nagsimula na kami sa paggawa. Bali 30 percent nalang ang kulang. Nakagawa na kami ng floorings at base. Nakagawa narin kami ng upuan at mga tables. Bale ang kulang nalang ang bubong. Mahirap kasi yun gawin kaya pinapahinga muna kami ni Kimpoy.

 

"Missing Luke?" Babatukan ko na sana si Judah pero si Kimpoy pala yung nagsalita. "No."

 

"Ay sus! Pakipot pa si atey. Amin amin din eh noh? Haha!" Binatukan ko siya. Napakamot tuloy siya sa kanyang batok. Yan kasi! Asarin mo pa ako, makakasampo akong batok sayo. Pwe. "Dahan-dahan naman, Bes. Alam kong malungkot ka, pero wag mo naman akong damayin sa pag dadalamhati mo sa pagkawala ni --"

 

Binatukan ko ulit siya, "Namimihasa kang bakla ka! Gusto mo batok?" Agad agad naman siyang umiling.

 

Tinuloy ko lang yung pagtitimpla ng semento. Habang nagtitimpla na iisip ko si Luke, asan kaya yun? Ay teka. I must not think of him. Distraction lang yan. Nagulat nalang ako ng may biglang nagbigay ng panyo saaking harapan.

21 days to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon