Chapter 7

202 1 2
                                    

Day 3 - Moving On Operation

"Omygosh, girls. Nakita niyo yung twitter ni Luke? Diba siya yung girl na minention?" Chismosa 1.

"You're right! Siya yun. Omy, wala naman siyang binatbat saatin." Chismosa 2, sabay make up.

"Kaloka! Mas maganda pa nga yung katulong ko kaysa sakanya." Chismosa 3.

"Girls. Hayaan na natin siya. We all know Luke. Hindi siya papatol sa ganyang class ng girls. Saatin, pwede pa. But her? No way." Chismosa 4.

Yan ang mga narinig ko nung pagpasok ko sa classroom. Sobra naman ata yun. Malandi agad agad? Di ba pwedeng nagpa-fansign lang? Aish. Ang ganda na nang umaga ko, someone just had to ruin it. Mga haliparot! Ipakain ko kayo sa buwaya, e!

"Hoy!" sigaw ni Kimpie. Napatingin naman yung mga babae sakanya, "Oo kayo! Kung makasalita kayo sa bestfriend ko, parang ang gaganda niyo! Hanggang kuko ko lang kayo. Mas maganda pa nga ang pwet ng aso ko kaysa sa mga mukha niyo!"

Omygawd, Kimps. Napa-nganga nalang ako sa mga sinasabi ni Kimpoy.

"Excuse me, pero we're higly respected dito. You have no right to say that, bakla." Sagot ng isang haliparot na ubod ng pangit.

"Oo, bakla ako. Pero you know what's weird? Mas mukha pa akong babae sainyo! And, highly respected niyo mukha niyo! Meron pa kayong nalalaman na ganun? Wow," tumawa si Kimpie, "Sa ugali niyong yan, dapat ba yan nirerespeto?"

Hindi sila nakasagot, "See? Mga guilty! Sa susunod na pag-uusapan niyo bestfriend ko, alamin niyo muna yung storya! Hindi assume ng assume! And wait,"

"Wag rin kayong mag-assume na magugustuhan kayo ni Luke. Mga assumera. Bless your delusional souls, ladies." Pataray na sabi ni Kimpoy at hinila niya ako papalayo.

"Girl power!" sabay na sigaw namin ni Kimpoy nung medyo nakalayo na kami sa mga haliparot.

"You rocked it, babe! Haba ng hair!" Sabi ko habang tumatawa.

"Naman! Dapat hindi nagpapaapi!" At tumawa lang kami ni Kimpoy.

After the hallway scene, pumasok na kami sa classroom namin. We don't wanna be late. Kimpie and I agreed na magiging goodiegoodie na kami.

Bumulong si Kimpie saakin, "Malungkot ata si Luke?"

"Malay ko. Kakasabay lang nga natin pumasok diba? How would I know?" Pagpipilosopo ko. Haha.

"Kahit kelan talaga, ang hina magfunction ng brain cells mo! Lapitan mo na," sabay tulak saakin ni Kimpie, "Ask him questions! Go!"

Sige. Pagbibigyan ko si Kimpie ngayon since he made me happy kaninang umaga. He deserves a treat.

Tumabi ako kay Luke, "Goodmorning, Sunshine!!" bati ko sakanya.

Kumirot yung puso ko nung hindi siya sumagot. May ginawa ba akong masama? Umm. Wala naman ah? Mabaho ba hininga ko? Or am I too annoying? Gulo ng isip ko.

Tumingin ako kay Kimpie na kanina pa ako tinitingnan. Pinakita ko sakanya ang heart-aching ko na facial expression.

"Boba! Naka-earphones! Kaya hindi ka marinig. Wagas makaemote!" Pabulong na sigaw ni Kimpoy.

Napahawak nalang ako sa noo ko, bobo mo Lelay!

Nag-isip muna ako ng moves ko on how to approach him.

1.) Tanggalin ang earphones niya and batiin siya.

2.) Tumayo sa harapan niya at kumaway-kaway?

3.) Lelay, mamili ka nalangsa 1 or 2 option.

21 days to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon