Pers Dey

49 1 0
                                    

"Lumilipas ang bakasyon, at ako'y papasok muli... ang mga baon at kaibigan, ay aking masisilayan.." 

Anton's POV

"Anton!" sabi ni Lolo.

"Bakit!", pupungaspungas kong sabi.

"Anong panget?! Walanghiya kang bata ka matapos kitang alagaan ng labindalawang taon tatawagin mo lang akong pangit!", may sinabi ba akong panget?

"Lo, wala po akong sinabing panget! Sabi ko po ay bakit.", napagkamalan palang panget yung bakit. Palibhasa hindi suot yung hearing aid.

"Ah, sorry apo, hehehe! Halika na kumain ka na. Ipinagluto kita nitong paborito mong tapsilog!", peace offering, lo?

"Sige po, lo bababa na ako."

"Hmm.. ambango!", sabi ko kay Lolo na parang nang uuto. 

"Kaon na! Papasok ka pa!", pasok?

"May pasok na ba, lo? Niloloko niyo naman ako lo eh sa June 9 pa yung pasukan eh."

"Gusto mo sampalin kita ng kalendaryo? June 9 ngayon!", di nga?

"Hala! Oo nga!", matapos ko tignan ang kalendaryo. Tapos na pala ang maliligayang araw. Natapos na akong kumain, at lumakad na ako papuntang school. Syempre, di na ako papahatid, HIGH SCHOOL na 'to 'no!

"Good Morning Ma'am!", nalate kaagad ako. "Good Morning Mr. Rivera.", sagot naman ni Bb. Eugenia Calderon. Ms. Gen for short.

"Ok, so ang teacher niyo sa blabla blabla.."

"Goodbye class!", tapos na pala siya magsalita. Nagsasoundtrip kasi ako sa utak ko, kahit parang wala naman ako nun? 

"May isang umaga.. na tayo'y.. magsasama.."

"Goodbye Ms. Calderon!", sagot ng speech choir. Pumila na kami papuntang canteen. Aakyat na uli kami, nakakain naman din naman ako. Kaso bitin eh. Tomguts pa din. Dumating yung isang teacher, bago siya. Galing Cagayan. English teacher namin siya. Kailangan tuloy magpakilala. Isa-isa pa tuloy. Huhuhu, nahihiya akech! Jk, lalaking lalaki to oh!

"One by one, you introduce yourself. Starting from you!", sabay turo sa lalaking nasa sulok. Katabi ko. Si Angelito Alonzo.

"Paktay!", mahinang bulong ni Tolits. "Ma-my name i-is.. Angelito Alonzo, I am 12 years old.."

"What are your likes, and hobbies? How about your favorites?", sabi ni Ma'am. Lagi pa namang bagsak si Angelito sa English. (Joke lang. Top 3 yata yan, oberol!) 

"I spend most of my time reading.. uhmm, my favorite band is....", di ko na gaanong pinakinggang ang ibang sinabi ni Tolits. Kilala ko na yan eh! 

"And the man after Mr. Alonzo please!" Tumayo na ako sa kinauupuan ko sa dulo ng klasrum. Tumindig sa harap ng 27 1/2 na tao. Yung isa kasi, batchoy kaya 1 1/2 ang bilang.

"My name is Antonino Rivera III, I am 12 years old, sometimes, I write, sometimes, I read,and sometimes, I read what I wrote. I listen to the likes of The Beatles, Heads, Hotdogs, VST, Mariah Carey and anything in between."

"Next!", sabi ni Ma'am na parang boses ni Aling Mary sa Bubble Gang kapag bwiset na siya dun sa nasa harapan niya.

Babae siya. Familiar yung mukha kasi dati nang taga dito, pero di ko siya nagiging kaklase. 

"I am Kelly Narciso, turning twelve on the ninth of the ninth month.  I am the class secretary from grade 4 to six. Directioner, stalker of the people in Hollywood, and is the wife of John Cena.", ang tipid niya magpakilala! Pero fluent.

Nagdaldalan kami ni Tolits tungkol sa crush niya. Pinaasa daw siya. Aba ay kalalaking tao ay binubuntungan ba naman ako ng sandamakmak na hugot. Dahil alam niyang KJ ako sa mga ganung bagay, hinayaan lang niya ako na hindi sumasagot. Nakatulog ako, at ang huli kong nadinig sa kanya ay ang pagkanta niya ng Tadhana. Napuyat kasi ako kahapon. Nagising na lang ako nung biglang....

"Let's all stand up and let's pray!", "Are you ready to pray classmates?", "Yes, we are." 

Buti di ako nahuli.


1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon