Kelly's POV
Hay, nakakapagod naman sa school. Dumadami na tuloy ang tigyawat. Masakit ha!
"Kuya, 'la, punta lang po ako dun sa park."
"Sige, me.", tugon ni Kuya.
"O, sige apo. May pera ka ba? Ingat ka, basta dapat na pagsapit ng alas siete y media, nandito ka na, ha?"
"May pera po ako, 'la. Sige po 'la, kuya, bye!", humalik ako kay Lola.
"Para!", ayaw tumigil ng jeep. Nyeta 'dis! May nakasulat pala sa harapan.
"Sumigaw lang ng 'Darna' pag bababa na!"
"Darna!", nagmukha tuloy akong baliw sa loob ng jeep. Pero tumigil si Manong Drayber.
Naglakad-lakad ako dun. Kumain ako ng sorbetes at kaunting streetfood. Maya maya, I found myself sitting in a bench.
"Yesterday, all my troubles seemed so far away, now it looks as though they're here to stay, oh, I believe in yesterday..", kumanta ako.
"Suddenly, I'm not half the man I used to be. There's a shadow hanging over me, oh yesterday came suddenly.", nagising ang diwa ko when I saw someone sitting beside me. It's Antonino. May mga gusto akong itanong sa kanya, gaya nang kung bakit siya biglang sumulpot sa tabi ko, ngunit sinabayan ko na siya sa mga sumunod na linya. May nagtutulak sa akin na gawin yun.
"Why she, had to go, I don't know, she would'nt say. I said something wrong, now I long for yesterday.", sabay naming wika.
"Anton!" nagulat ako sa aking inasal. Niyakap ko na pala siya. "Bakit ka naparito?"
"Napadaan lang ako kasi malapit lang naman yung bahay ng tita ko dito kung saan kami kami nagbabakasyon ni Lolo. Ikaw, bakit ka nandito? Parang malungkot ka, may pinagdaraanan ka ba?"
"Wala, wala! Bakit, mukha ba akong malungkot?"
"Hindi naman, maganda ka pa rin naman. Sa tono mo lang ay.."
"Binola mo pa ako! Medyo pagod lang sa school."
"Mabuti pa, halika, kumain tayo dyan sa carinderia. Libre ko."
"Naku, wag na lang! Nakakahiya naman."
"Naku, wag ka ngang mahihiya sa akin! Tatandaan mo, wala tayong hiya. Sige na!"
"Sige na nga."
Napilit niya akong kumain.
"Oh, Kels, musta naman ang lovelife mo?"
"Hala, wala pa sa isip ko iyan!"
"Oo nga, third year dapat ha?"
"Opo, tay!"
"Walanghiya ka, anong tatay? Masyado mo naman akong pinatatanda."
"Hahahaha, sorry naman. Ikaw ba?"
"Maayo lang din naman."
"Boss, girlfriend niyo?", nagtanong yung katabi namin. Adik yun ah!
"Hehe, hindi po ser.", sabi ni Anton.
"Wag niyo yan pakakawalan!", sabi muli nung katabi namin. Nagkatinginan kami. Parehong may ngiti sa aming labi dahil dun sa adik na mama na iyon.
"Sige na, kaon ka na.", bati ni Anton.
Natapos kaming kumain ni Anton.
"Hatid na kita sa inyo, Kelly."
"Wag na, sobra sobra na para sa araw na ito. Nilibang mo na ako at nakalibre pa ako ng hapunan, salamat. Hinahanap ka na ng lolo mo, umuwi ka na."
"Sigurado ka ha?"
"Oo, oo. Bye!"
"Bye!"
Nakauwi ako sa bahay at naalala ko yung mga nangyari. May nararamdaman ako kanina, eh. Wala ako sa isip kanina, pero naaalala ko yung pagyakap namin. At yung sinabi nung mama. Hindi kaya mayroong nangyayari sa puso ko na hindi ko alam? Baka yung sinabi nung mama, aming kahinatnan? Hala!
BINABASA MO ANG
1942
RomanceDalawang magkaklase na may crush sa isa't isa, na magiging mag boyfriend at girlfriend. At isang araw, ay sumama ang grandparents nila sa kanilang date, at duon nila malalaman na ang lolo ni boy at ang lola ni girl ay mayroon palang past bago ang Wo...