"Ok, so tommorow class, magdala kayo ng ruler tsaka measuring tape. Goodbye class!", sabi ng last subject teacher namin. Pinakamaloko naming teacher. Si Mr. Cabaña.
"Goodbye, and thank you Mr. Cabaña!", pumila na kami sa labas ng aming silid. May dalawang lalaking nagkikilitian, dun sa may dulong banda ng pila. "Oy, ang sweet!", sabi ng tecaher namin. Natigilan tuloy yung dalawa. Ang sweet na, nauntsami pa.
Kinabukasan, syempre nagdala ako ng kailangan. Dalawang tape measure na yung isa ay may tatak na Yellow Tag dahil nagmula sa Savemore, at isang ruler. Maliit. Kulay dilaw. Hindi iyong pamatpat ng teacher, kundi isang semi transparent na ruler na mayroong sticker ni Spongebob.
"Imahinasyon!"
Pagdating ng teacher namin, dilat na dilat. Parang nanguuto. As usual, napatawa na naman niya ang klase. "Good morning class!", "Good morning, Mr. Cabaña!".
"Ayan, naloko ko na naman kayo, afternoon na! Take your sit. Pumunta sa kanya kanyang grupo, dito ang one, two, three at four. Sinabi ko na ang directions kahapon."
Pumunta na ako sa grupo. Kagrupo ko si Kelly, tapos yung iba pang mga kaklase namin. Malamang, alangan namang taga-ibang section yung kagrupo ko.
Sinukat na namin ang mga bagay sa loob ng klasrum. Pinto, Bulletin Board, bintana, whiteboard, blackboard. Pati electric fan. Nirecord namin yung mga measuring nun. At dahil kapos na sa oras, hindi na nasabi sa lahat yung mga measurements na nakuha. Kailangan yun para sa aming jeproks na ipiprint.
Kinabukasan, magpiprint na ako.
"Lo? Punta lang po akong com shop gagawa ako ng project."
"Ay apo meron tayo ditong printer!", di nga 'lo?
"Nasaan po 'lo?", umakyat ako patungo sa lagayan namin ng mga bagay na di naman gaanong ginagamit.
"Eto apo oh", sabay bukas sa box ng printer. Ang tumambad sa akin ay isang...printer. Nuong panahon nga lang ni Mahoma.
"Lolo! Typewriter yan eh!"
"Aba, eh ano ba ang kailangan mo?"
"Iyon pong printer, yung sinasaksakan ng computer. Dun itatype sa computer, 'lo.", tanda kasi sa una itong kausap ko. Laki sa panahon ng kopong kopong.
"Eh kasi, 'nung panahon namin, ganyan lang ang gamit. Ang nakabibili nga lang ng ganyan sa panahon namin ay yung matataas ang katungkulan. Kung tawagin ko iyan ay Maquinilia de Acsaya. Kasi, pag naisilid mo ang coupon bond, at mali ang naisulat mo, uulit ka. Aksaya."
"Ayun 'lo, oh, may isa pang box. Baka iyon, printer na.", umaasa pa din ako. 'Di bale nang masaktan, para sa project—
"HUGOT!—", biglang tumugtog sa isip ko.
"Eto ba apo ang hinahanap mo kamong sprinter?", sabay abot sa box. Box naman ng makinilya.
"Eto nga po 'lo! Galing talaga ng lolo ko!", sabay halik sa leeg ng matanda. This is what I've been waiting for!
Isinet-up ko na yung printer sa lamesa. Naisip ko, saan ko itatype?
"Lo, nasaan po yung tablet?", pwede naman na yun ikabit sa printer namin. Hi-tech 'to 'no?
"Eto apo kukunin ko lang sandali. Ilan ba apo?", adik tong si Lolo. Isa lang naman yung tablet namin.
"Isa lang po lo!"
"Eto na apo.", sabay abot sa akin ng Biogesic. Tablet nga naman.
"Lo, hindi ito! Yung kulay puti na malaki, yung parang computer na maliit!", JUICE COLORED!
"Nandun sa cabinet apo. Ikaw na lang ang kumuha. Nirarayuma na ako sa iyong bata ka. Andami niyong requirements!"
"Saan ba ang masakit 'lo?"
"Dito, dito. Salamat naku apo.."
Nakuha ko na yung tablet. Isa na lang yung kulang eh. Ano yung itatype ko? Minessage ko yung kaklase ko, si Renato.
"Nat!"
"Uy, Ton! Bakit?"
"Naistorbo yata kita dun sa paglalaro mo. Hingiin ko lang sana yung measurements."
"'Di naman, hahaha. Eto ton."
"Gesi thanks! Malaki utang na loob ko sa iyo. Ano gusto mo bayad, atay o balunbalunan?"
"Utak na lang!"
Tinipon ko na ang lahat ng measurements na binigay niya. Kulang pa din sa quota eh. Isa na lang ang malalapitan ko. Si Kelly. Nagtatalo ang mga damdamin sa loob ko:
"Nahihiya ako!"
"Anong hiya? Wala ka 'nun! Project 'yan, walang hiya hiya!"
So, minessage ko na siya.
"Ate Kelly, hingin ko lang po yung measurements natin kahapon. Tnx"
Nagreply naman siya kaagad. Nakagawa ako ng project at nakapagpasa sa deadline. At duon pala sa mensahe na iyon mag-uumpisa ang kung ano man. Ano nga ba yun?
![](https://img.wattpad.com/cover/81397593-288-k215692.jpg)
BINABASA MO ANG
1942
RomanceDalawang magkaklase na may crush sa isa't isa, na magiging mag boyfriend at girlfriend. At isang araw, ay sumama ang grandparents nila sa kanilang date, at duon nila malalaman na ang lolo ni boy at ang lola ni girl ay mayroon palang past bago ang Wo...