Anton's POV
Habang nagbabatuhan ng Papel de Saliva, biglang napansin ni Angelito na nakatulala ako.
"Ton, tulala ka yata. Lalim ng iniisip mo ah, 'di ka ba nagreview?"
"Kelan pa ako natutong magreview? Stocked Knowledge 'to 'no?", yabang ko. "Nga pala, musta na kayo ni Mendez?" Crush niya yun.
"Wala na yun, past na yun. Ikaw Ton, sino ba crush mo?", shet nahalungkat!
"Kelan pa?"
"Sagutin mo yung tanong ko amputek!"
"Eh, secret!", may tumutugtog sa utak ko. Pinapatamaan ako.
"Wag kang pabebe"
"Clue!"
"Saan nagsisimula yung apelyido?"
"N."
"Si Nuñez?!", lalaki yun!
"Gagi hindi! Tama na drugs pre, kawawa ka pag natokhang ka." Tinakpan niya ang bibig niya. Ikinorteng parang bubulong.
"Si Narciso?"
"Wag kang maingay!"
"Si Kelly?"
"Oo nga?"
"Crush mo Ton?", biglang sumingit si Ruth. Tumango ako.
"Ikaw Ton ha, Narciso ka pala ah!", bumulong sa akin si Carlos. Shet na malagkit naman oh, isang beses ako tinanong, tatlo kaagad ang nakaalam!
Maya maya, kinwento ko kay Nicolas.
"Bes.", sabi niya. "May kras ka?"
"Yun!"
"Pero ayaw mo aminin?", tengene, bakit alam mo? "Omygahd!"
"Yun talaga eh! Kung kilala mo, bes, shhh."
"Kasi baka masira yung friendship niyo?"
"TEKA BA'T ALAM MO?!", hala, patay! Pang-apat na yata siya. Ok lang naman.
"Is it Kelly?"
Nanlaki ang aking mga mata. "GASTUG KILALA NIYA!"
"Omygahd!"
"¿Tiene consejos para mí?"
"Aminin mo! Take Risk.", langhiya naman ito eh, harapan magsabi. Prangka. "Naalala mo ba yung sinabi ni Mr. Ando?
**FLASHBACK**
Nasa kalagitnaan kami ng klase ng MAPEH teacher namin, si Mr. Nicasio Ando Jr.
"Dati, mayroon akong childhood friend. Tropapips kami mula pagkabata. Nung medyo tumanda na kami, parang nagkakagusto na ako sa kanya. Then, suddenly, I love her. Her smile, her face, I remember her now. Mula nung nagkagusto ako, hindi ako umamin. There were so many what ifs in my mind then, until now. 'What if maging nobody na lang ako sa kanya?', 'What if mawala yung friendship namin for the past years?', and most important, 'Paano kung mawala pa sa piling ko yung taong mahal ko dahil sa munti kong pag-asa na mamahalin niya rin ako?'. Nag-aral siya sa Manila. Masakit kasi nawala na nga siya sa akin. It was in 1998..." naiiyak si Ser. "1998 nung, mahalal si Erap bilang presidente. Joke lang, kinasal siya. Ang nasa isip ko na lang 'nun, "Ano kaya ang itsura ko habang nakasuot ng barong at slacks sa harap ng altar habang hinihintay ang babaeng pinakamamahal ko upang sumumpa sa harap ng Diyos?" Hanggang ngayon, hindi pa yun nasasagot. Kasi hindi naman talaga ako yun. Nag-usap kami ilang araw bago siya tuluyang makuha ng iba. Nagbiro ako, sabi ko, "Sana ako yung ikakasal sa iyo." I am a bit of, nadulas, but I meant it. "Bakit ba kasi hindi mo sinabi dati, eh mahal din naman kita. Nandun lang ako, naghihintay sa araw na sasabihin mo sa akin kung ano ako sa iyo, para masabi ko rin kung ano ka sa akin. Ang pinakamasakit ay hindi yun dumating." Sabi ko sa kanya, "Bakit ka naghanap ng iba?" Sinagot niya ang tanong ko, "Kasi sabi mo mahal mo ako, oops, minahal, pero bakit hindi mo sinabi? Alam kong walang silbi ang pag-ibig kung hanggang salita lang, pero mas walang silbi ang pag-ibig kung hindi mo naman pala sasabihin." Sinabi ko sa kanya, "Sorry, pasensya ka na. Ngunit pwede ba yung 'muli'?" Naisip ko 'nun na ang pinakamalaking katangahang ginawa at gagawin ko sa buhay ko, at iyon ay ang ipagkait sa mahal ko na malamang mahal ko siya. "Siguro, hindi lang talaga ako yung para sa iyo.", masakit. Ngayon, nag-uusap pa din naman kami, ngunit sabi nga sa commercial ng McDonalds, kahit hindi naging kami sa huli, siya pa rin ang first love ko."
**End of Flashback**
"Ok, fine. Sa 9."
BINABASA MO ANG
1942
RomanceDalawang magkaklase na may crush sa isa't isa, na magiging mag boyfriend at girlfriend. At isang araw, ay sumama ang grandparents nila sa kanilang date, at duon nila malalaman na ang lolo ni boy at ang lola ni girl ay mayroon palang past bago ang Wo...