Salubong

42 1 0
                                    

Anton's POV

"Recite the Modern Periodic Table of Elements from 1 Hydrogen to 50 Tin!"

"Sino si Damaso Verdolagas?"

"What is the function of verbs?"

"What is the value of x?"

"Ang batas militar ay naaprubahan noong blank sa bisa ng proklamasyon bilang blank."

Iyan ang sumalubong sa akin sa pagsisimula ng bagong taong aralan. Ang shaket sa ulo 'pre! 

"Ton! Ilan ka sa quiz?", tanong sa akin ni Casey habang nasa pila pababa ng kantina matapos ang pagsusulit. Magkakaibigan kami mula Grade 1. Kasama namin sa aming squad si Mara, si Ruth, si Angelito, si Nicolas, si Carlos, at si Rian. Kami ang tinaguriang 'La Gente de Honor' dahil lahat kami ay kasali sa top. Naks!

"Naka-tres lang ako eh! Ikaw?"

"Adik ka Ton, bagsak yun! Ako nga 29 eh! Napa-grabe naman yata ang baba mo ngayon, nagsagot ka pa ba?", nandun na pala kami, di ko namalayan.

"Ay, may cipher pala sa dulo!"

"Isa kang, malaking, ADIK!"

"Uy, mga bes, pakopya naman mamaya kay Ms. Flores.", sabi ni Carlos. Isa pang adik yun eh.

"Ge ba, basta yung technique na tinuro sa atin ni Mr. Ando ang gagamitin ah?", sabi ni Rian. Siya yung top 1, at valedictorian namin nung Grade 6. 

"Uy, saan kaya lumipat si Kelly?", sabi ni Casey.

"Balita ko dun na siya sa kakawayan eh.", aking tugon.

"Saang kakawayan?", ani Mara. 

"Adik kasi.", bulong naman ni Ruth. Masakit na ah!

"Duon, somewhere over the rainbow way up high.", patanga kong sagot sa tanong ni Mara Clara.

Medyo nahirapan ako sa school year na ito. Parang ngayon lang ako naging high school? Tapos strikto pa nung teachers. Tunay na babahain ng offense slip ang isang taong...

"Hindi ka na naman gumawa ng assignment mo! Wala ka pang PO number one at two, wala ka pa ding Written Assessment number two! Ayusin mo ang grades mo ********, sayang private school ka pa naman!"

Pero, parang bukod sa mga bagay na yan na tunay na nakakapagpakapabagabag-damdamin, meron pang isa. Ano nga ba yun?

"Mga adik! Jollibee tayo sa 16!", sabi ni Ruth. Sigurado naman akong sasama sila, lalo't karamihan sa mga lakad namin ay sagot ng Rich Kid na iyan. "Tutal malapit na ang birthday ni Rian.."

"Ge ba!", sabi naming lahat, bukod kay Carlos.

"Basta libre mo ba?", sabi ni Carlos. Kuripot kasi eh.

"Ako pa ba?", sabay buklat ng wallet niya, na bigla kong hinablot. Ang kapal, ang daming laman! At hindi tigbe-beinte, kundi tigsi-siyento!

"Uy, kasi! Akin na!", she is currently under the state of Bi-83. Bismuth.

"Habulin mo 'ko!"

"Bes, pagod na ako maghabol!", hala siya.

"Edi wala kang wallet!"

"K, fine! Wag kang paasa ah?"

"Ang shweet!", sabi ng mga natira naming kaibigan dun sa table. Mga walanghiya!

Umakyat na kami. 

"Mara, 29. Ruth, 28. Carlos, 27. Ton, 26, Nicolas, Angel tsaka Casey, 25 ha?", ganyan ang strategy namin sa kopyahan. Magkakatabi kami, no problemo.

"Psst! Rian, name card Pipol!", bulong ni Carlos.

"Ano?"

"Ano yung name nung Cardinal dun sa Pipol Power!"

"Ano, kili kili power?", umiling si Carlos. Sumulat siya sa isang maliit na piraso ng papel. Saktong nakanganga si Mara, hinagis niya yung nirolyong papel na iyon. 

"Walanghiya ka Carlos!", binato din ni Mara yung papel, sakto sa mukha ni Carlos. May laway na, eew, kadirdir. 

1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon