Darating

36 1 0
                                    

Anton's POV

"'Lo, alis lang po ako. Mga 4 na po ako makakauwi."

"Saan ka pupunta?"

"Sa Aling Rositas po 'lo. May ipapadala po ako."

"Eh.. para kanino ba?"

"Kay ano 'lo.."

"Ah.. ok, ok. Galingan mo iyang style mo sa paniningalang-pugad ha?"

"Hala lo! Hindi pa ako nanliligaw. Papadalhan ko lang ng regalo, tatanungin ko kung pwede maging kami."

"O, siya siya.."

"Bye na po 'lo!"

"Bye apo!"

Umupo ako sa isang bangko upang sumulat ng maikling sulat. Sobrang ikli lang talaga.

"Pwede ba maging tayo?"

Isinilid ko na iyon sa isang sobre saka sumulat sa harapan nito. 

"Kelly Narciso

#40 Kalayaan St. Pagkakaisa Village 3200"

Saka naman ako pumunta sa tindahan ni Aling Rosita.

"Aling Rosita!"

"Teka, teka, namumukhaan kita eh. Ikaw yung.. yung.."

"Yung apo sa tuhod ho ni Paciano!"

"Paciano?"

"Pacianong Goto ho!", alyas ng angkan namin, Cruz, ang goto.

"Ah, ikaw na ba iyong anak ni Antoninong Bata?"

"Oho, ikatlo na ho ako."

"O, siya siya, bakit ka naparito?"

"May ipapadala ho kasi ako, diyan lang naman ho sa Pagkakaisa."

"Eh, nasaan ba hijo?"

"Ay, bibili pa lang ho ako. Pinasabi ko lang ho nang maaga at baka may byahe kayo."

"Ah, sige, sige. Wala naman kaming byahe ngayon. Wag kang magtatagal!"

"Oho, eto na ho bibili na ako."

Si Aling Rositas ay ang pinagpapadalhan ng lolo imbes na sa iba. Talagang bulaklak ang inihahatid nila, pero dahil kaibigan naman ng lolo ay ayos lang na makihatid kami paminsan-minsan.

"Kuya, dyan sa mall po!", sabi ko sa tricycle driver.

"Para!"

Pumunta ako sa isang restawran.

"6 piece chicken nuggets please for take out."

"With rice sir or fries?"

"None."

"Drinks?"

"None."

"Dine in?"

"Ayt, take out nga diba?"

Sumunod akong pumunta sa supermarket. 

"Sir, kailangan po ninyong iwan yang dala ninyong pagkain. Sa package counter na lang po."

"Sir, wag ninyong kakainin ha?"

"Opo sir..", tumawa siya.

Nagmadali ako dun sa stall ng Pringles at sweets. Kumuha ako ng isang bote ng Pringles na Sour Cream at dalawang bote ng Skittles. Irereserve ko ang ibang flavor nun para sa main rites ng panliligaw. At may vintage ako na balat ng pack 'nun.. mula pa 'nung eighties.

Binilisan ko ang lakad patungo sa counter. May bibilhin pa ako.

"Manong Guard, yung pagkain ko?"

"Eto po sir."

Pupunta naman ako sa paborito niyang restawran.

"Two-piece hawaiian pizza please."

"For dine in?"

"Take Out."

Umalis na ako matapos makuha ang lahat ng pinamili ko. Pumunta na ako sa stall nila Aling Rosita.

"Aling Rosita, may kahon po ba kayo?"

"Meron dito, hijo. Diyes-diyes isa."

"Sige po.", nilagay ko duon yung pizza at nuggets, para di maalog. Dun na rin yung Pringles tsaka Skittles. Binalot ko sa plastic yung sulat at nilagay ko na din dun. Teka, may kulang pa eh. 

"New Kitkat Green Tea..", nadinig ko mula dun sa telebisyon nila Aling Rositas. Yun nga! 

Dumukot ako ng pera sa wallet ko. ₱500 buo at isang ₱200. Nirolyo ko yung ₱200 tsaka siningit dun sa sulat. Siya na ang bahala bumili ng kung ano ang gusto niya. Matutunaw yung chikolet, kainitan pa naman ng araw. 

"Antonino, hindi ka pa ba tapos hijo? Madami-dami yata ah? Kumakapal ang kalupi.."

"Hehe, eto na po. Pabarya na lang po nitong limandaan at baka hindi ako maisakay ng traysikel."

"O, sige sige, eto oh.", sabay abot ng pera ko. 

"Sige po mauna na ako. Mga anong oras ho kaya makararating?"

"Medya ora, sigurado na iyon! Malapit lang eh.."

"O sige na po mauuna na talaga ako. Sa muli po!"

"Sige hijo!"

Nakarating ako sa bahay ng alas tres media. Mga alas quatro ko na i-memessage. Kenekeleg ne eke!

Kelly's POV

"Krrrriinnggggg!", tumunog ang doorbell namin. Sino yun, mygahd ako lang dito sa bahay! Baka pulis na nagtotokhang!

"Nandyan po ba si.. uhm.. wait po ma'am hindi ko mabasa... uhm.. ito po ba yung bahay ng mga Narciso?"

"Opo, sino ho ba ang hanap ninyo?"

"Ma'am, hindi ko po talaga mabasa. Patingin po baka pamilyar sa inyo yung sulat. Pa-recieve na lang po."

"Sa akin po, sir.", pumirma ako, parecieve daw eh. Pumasok ako sa loob ng bahay. Teka teka, pamilyar itong sulat na ito ah? Ang kawaii... bulag naman yata yung tagadeliver eh! Kay ganda ganda ng sulat hindi mabasa! Buti di naligaw yun.

"Si Anton!", medyo napalakas ang sabi ko. Yiee, naeexcite ako! Naaalala ko nung last.. Ang sweet talagang unggoy nun! Teka, parang nagugutom ako. Eh, mamaya na yang gutom. Kilig muna, hahaha! 

Pagkabukas ko ng box, nandun na ang sagot sa aking daing. May nuggets, beh! May pizza... at dalawa! Tapos shet, pwinggwels! Dalawang bote ng Skittles! Lord, tulungan niyo po akong mag-diyeta pagkatapos ko kainin 'to. Alam naman po ninyo na kaya ko ito in 8 hours. Kailangan, baka magalit si Lola. Wait, may sulat.. Shetpak namang tunay itong si Anton oh! Pulang-pula na ako sa kilig eh!

Syempre, kinain ko na yung pizza at nuggets. Sharap!

1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon