Date

27 1 0
                                    


Kelly's POV

Nagpark na kami sa parking lot sa NLEx. Lumakad kami papunta sa Starbucks. Shocks, napansin ko nang nandun na kami sa bungad ng kapihan, magkaholding-hands na pala kami! Nakapasok na kami sa loob nang biglang hinalikan niya ako sa noo. Oh my goodness!

Nakaorder na kami so pumunta na kami sa table namin. Dun kami sa couch umupo para komportable si Lolo (at syempre, para magkatabi kami. Hihi.) Biglang nagkasipaan yung papa namin. Naalala ko nung Grade Seven, ginagawa yun nila Casey at Paul. At dahil alam naming nakakakilig yun, at least para sa amin, tinuloy lang namin. Nagyayakapan na sila!

"Aray!", bigla naming narinig si Lolo.

"Bakit po?", sagot ko habang nakatingin lang si Anton sa kanya.

"Sipaan ng sipaan iyang mga paa niyo, ako ang tinamaan!", ay, sorry po. "Pero kinikilig ako.."

"Sorry na 'lo.", sabi ni Anton.

"Giniginaw ako babe.", bulong ko kay Anton. Bakit ba kasi ako nagsuot ng cropped top eh alam ko namang sa Starbucks pupunta? Tinanggal niya ang sweater niya at nilagay sa mga balikat ko. Sabay yakap at halik sa mga pisngi ko. Namumula na yata ako. Inalis niya ang kamay niya. 

"Babe, 'lo, intayin lang po natin si Lola."

"Sige apo.", apo na rin ang tawag niya sa akin. Yiee!

"Babe, musta na?"

"Ok naman kami babe.."

"Hija, ilang taon ka na?", si Lolo na ang nagtatanong sa akin.

"15 po."

"Maaari na daw bang manligaw sa iyo si Anton?", tumingin sa kanya ang apo niya. Parang nagsasalita yung mga mata niya.

"Letse ka 'lo, anong daw? Wala akong pinapatanong sa iyo anak ka ng pating!"

"Pwede naman na po yata Lolo.. Kayo po lolo, ilang taon na po ba kayo?"

Syano's POV

"Nobenta y uno hija..", ang ganda nitong babaing ito. Naaalala ko sa kanya ang first love ko. Kamukha niya iyon nuong bata pa siya.. Ganun na lang ang galit ko sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.. sapagkat pinaghiwalay niya kami ng taong mahal ko. "Hija, ano ang middle name mo?", nagbabakasakali ako, baka kalahi niya ang aking mahal.

"Valencia po, Lolo. Bakit po ninyo naitanong?", nabubuhayan ako ng loob. Pakiramdam ko may magandang mangyayari sa araw na ito. Sana nga ay yung iniisip ko na iyon, sapagkat hindi lang iyong mangyayari ang maganda, maging yung aking makikita. Sana. Valencia ang apelyido ni Honorata.. nung dalaga pa. Sana dalaga pa rin siya.

"Wala, wala."

"Lolo, babe, halika, kunin natin yung kape, baka ok na iyon.", sabi ng apo ko.

"For.. Anton, and for.. Syano.", sabi ng barista. Nasaan ang para sa bago kong apo?

Bumalik kami sa couch na aming kinauupuan kanina. Nanginginig na ako sa aircon ay dala-dalawa pa ang nakapagpapakilig sa akin!

"Babe, wala pa ba yung akin?", tanong ni Kelly.

"Aling sa iyo?"

"Duh! Yung kape ko."

"Eto.", sabi niya matapos kunin ang isang malaking baso ng kape.

"Sa iyo yan 'diba?"

Yumakap si Anton sa kanyang kasintahan. Feel na feel apo ha? "Share na lang tayo babe, ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ganun pero alam na alam ko ang galawan mo babe. Tsatsansingan mo na naman ako eh!"

"Kasalanan ko bang sobrang ganda at mahal ko ang girlfriend ko?

"Tse!" 

"Puro kayo lampungan diyan!", halos pasigaw kong sabi sa dalawa. Kinikilig din naman ako.

"Bakit, 'lo, 'di ka ba kinikilig?"

"Wala akong sinabing ganiyan..", tumawa ang dalawang mokong.

Bumukas ang pintuan ng kapihan. Isang matandang babae ang pumasok. Bumibilis ang tibok 

ng puso ko. Naaalala ko yung pinapatugtog kanina ni Anton pagdating namin sa parking.

"Dahil sa isang taong mahal mo, nang buong puso, lahat ay gagawin.. makita kang muli."

Palapit siya nang palapit sa aming kinauupuan. At di-maglipatsaglit ay nasa harapan ko na siya. 

"Apo!", sabi nito.

"Lola!", tumayo si Kelly mula sa pagkakayakap ng apo ko. Oo, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinakakawalan si Kelly. Tinamaan ng lintik, ngayon mo lang nakita apo? Niyakap niya yung babae. Lola niya yun?

"Sila ba ang ating kasama ngayong gabi?"

"Opo lola, 'la, si Anton po, tsaka yun lolo po niya si Paciano po.", ngumiti kami ni Anton.

"Upo ho kayo!", bati ko. 

"Salamat ho!", sagot nito. Umupo siya sa tabi ko. 

"Lola, ikukuha ko lang po kayo ng kape.", sabi ni Kelly.

"Sige hija, dikap ha?"

"Opo!" 

Lumisan sandali ang bagong tagpo kong apo. Nais kong makipagkilala sa matanda.

"Ako ho si Paciano, ano ho ang pangalan ninyo?", abala si Anton sa inumin niya.

"Ako ho si Honorata, ikinagagalak ko kayong makita.", iniabot niya ang kamay sa akin. Hinalikan ko ito. Tumingin siya sa akin at nababakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. Pinagtagpo kaming muli!

"'Di mo na ba naaalala ang lahat ng ating pinagsamahan?"

"Samahan? Ano ho ang apelyido ninyo?"

"Cruz! Ang kasintahan mo noon! Hanggang ngayon siguro kung hindi sumiklab ang giyera. Mahal!", kapwa kami tumindig at sa harapan ng lamesa ay niyakap niya ako. Gumanti ako, yakap na mas mahigpit. Niluwagan ko nang kaunti at baka masaktan ang aking mahal na tila ang alibughang anak; nawala ngunit muling nasumpungan. 

"What's happening in here?", nagkaroon muli ako nang malay nang makita ko si Kelly sa aming harapan. Bumitaw kami sa pagkakayakap.

"Wait, what? I don't know babe, kausap ko si Angel tungkol dun sa jeproks namin eh."

"Nawala siya, ay nakita kong muli.", sumabat ako.

"Huh?", sagot ni Kelly, na nakatingin sa amin katulad ni Anton na nagtataka lamang sa kung ano ang nangyari.

"Siya ang unang pag-ibig ko apo.", dinugtungan niya ang sinabi ko. "Paciano nga pala."

1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon