Exam

72 4 0
                                    

Anton's POV

"Apo, may crush ka na ba?", tanong ni Lolo habang naglalakad kami patungo sa school. Walking dictance, very basic.

"La pa lo eh. Nursery pa huli.", sagot ko sa tanong ni Boy Abunda, este ni Lolo.

"Si..  Tere?"

"Opo."

"Gandang babae nun eh.."

"Oo nga lo eh. Pinakawalan ko pa kasi eh.", sabay tawang mahina, na dinugtungan ng makalaglag-pustisong tawa ni Lolo. Buti may Polident.

"Sige lo, bye na po.", paalam ko. Sabay abot naman ng sitenta pesos kong baon ni Lolo, tapos halik sa pisngi.

Pumasok na ako sa loob ng room. Iba yung arrangement. Exam nga pala. Binigay na yung sa Science. Ang shaket sa ulo, anak ng scientific calculator na pag binagsak mo ay may velocity na (-9.8)(5.67) at mayroong sukat na 3.141592653589793238...

"PASS!", sumigaw yung techer ko. Patulog na ako eh, laking bwiset. 

Chineckan namin yung mga papel. Ako yung nagcheck nung papel ng Top 1. Shet, over yung 95 yung exam, 19 lang siya! Jk, 91! Parang babagsak ako. Buti na lang may naka 22. I'M NOT THE ONLY ONE.

Eto na ang paghahatol. Binibigay na yung test papers. 65 ako. May tumutugtog na soundtrack sa utak ko:

"Aray! Aray, naku! O, kay sakit naman ng ginawa mo....."

Umuwi ako sa bahay na may luhang nagingilid. Napansin kaagad ng Tandang Syano. Patay.

"Apo, bakit umiiyak ka? Sino nangaway sa iyo sa iskul? Ay naku apo, sinasabi ko sa iyo kahit ako ay nobenta y uno na eh di pa ako uugod ugod! Ano pangalan at sasapakin ko bukas. Kung gusto mo pailalim pa, eh–", ani Knight in Shining Armor.

"Lo, yung teacher ko–", di pa ako tapos eh. 

"Ano ginawa?"

"Sandali lang kasi lo. Yung teacher ko, ang hirap magpaexam. Ayun, naka-65 lang ako sa Science.", with matching hikbi.

"Yun lang pala eh! Yaan mo yun at hindi naman ako magagalit sa iyo. Basta't makatapos ka ay ayos na sa akin–", naks, motivation!

"Pero lo, pa'no yung pangarap ko na maging bilidiktoryan?"

"Ok, apo. Kuha ko naman ang punto ko. Ganyan din ako dati. Para kako mapaligaya ko ang mama, ang papa. Kahit sila ay nandun na sa itaas. Duon, sa paraiso sa 9999th floor. Pero, wala eh. Pinagbutihan ko naman ang pag-aaral ko, siyempre at nasa pribado ako. Kaso, di ako pumapasok sa honor kung tawagin. Nakagraduate ako ng elem, hayskul. College, eh inabutan ako ng giyera. Pagkaraan, natapos na din naman ako sa Medicine ko. Pero, sa buong 22 taon ng buhay kong inilaan sa pananaliksik sa mga bagay na iyan, hindi ako nagkaroon ng honor, ni Dean's List. Tatandaan mo lang palagi na ang hangarin ng pag -aaral ay pagkatuto, at hindi karangalan. At mayroong mga bagay na dapat mong matutunan na hindi maituturo ng sinuman bukod sa sarili mo at sa may ari nuong paraiso sa 9999th floor.", eto yung motivation!

"Sige po, lo, salamat talaga lo."

"Wala iyon! Maganda na iyong hindi mo masyadong pagurin ang sarili mo para dyan sa karangalan."

"Sige po, mahihiga muna ako."

"Ops, teka! Eto merienda, kumain ka muna! Paborito mong sopas oh!", sabay patong ng plaka sa turning table, este turntable. Mga musika sa Penny Lane. Makakain na nga!

1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon