1159

41 2 0
                                    

Anton's POV

"One Step Closer..", naririnig kong kumakanta ng mga linyang iyan si Casey. Alam kong pinatatamaan niya ako.

"Hala siya!"

Biyernes ngayon. Ika-siyam, ng Setyembre, dos mil disi seis. Birthday ngayon ni Kelly.

"Ok, class dismiss!", wika ni Mr. Novicio. Siya ang aming last subject teacher.

"Uy, basta alas once cincuenta y nueve ah?", sinabi ko kay Mara, Angelito, Ruth, at Casey.

"Oo, Ton.", sabi nila.

"Ton, kinikilig na ako!", sabi ni Angelito. Minsan parang baklushski ito eh.

"Ayan ka na naman, para kang sinapian ng espiritu ng Pak Ganern!"

Nakauwi na ako sa bahay. Tuwing naaalala ko ang kung anong gagawin ko mamayang 11:59 ng gabi ay may gumagapang na kaba sa akin. At ang mas kakabakaba ay ang sinabi ko, na gumagapang yung kaba. Kaya na pala niya ngayong gumapang. Everything is set. Nandyan na yung tula, yung audience. Tutula ako mamaya. Alam ng buong La Gente de Honor maliban lang kay Carlos.

"Ako ay tutula, mahabang mahaba. Ako ay uupo, tapos na po."

Dumating na ang oras, ngayon ay may dalawang minuto na lamang na natitira bago lumipat ang araw. Pumunta ako sa notes upang i-save sa clipboard ang isang tula. Mayroong anim na talutod. Sinend ko kay Kelly, eksaktong 11:59 ng gabi ang mga katagang: 

"Mayroon akong nais masambit

Sa aking lalamunan ay naiipit

Di ko mailabas sa aking bibig

At ni di ko nais na makabig.

Sa isang tao, ikaw ay dear

Di pa ako iinom ng beer

Tanggap kong malayo ka na

Sa ating samahan ako ay masaya.

Ngunit kailangan ko daw masabi

Ang sa puso ko ay nakukubli

Na minsang nagustuhan kita

O gusto kita yata ang mas tama

Siguro dahil na rin sa ating samahan

Kaya't ika'y aking hinangaan

Pag-asa ay tila malabo na

Sa puso mo'y nagkaroon ba?

Ninais kong masabi na ito

Upang mapanatag ang aking puso

Sana ako pa rin ang maging ninong

Kahit hindi ikaw ang aking naging irog

Ngayo'y kailangan nang mamaalam

Sasabihin ko ay hindi na alam

Basta't wag mong kalilimutan

Ang ating mga pinagsamahan.

Happy Birthday Kels! Handa?"

Nagreply siya.

"Antonino, what do you mean?"

"So you don't get it?"

"I do."

"Naintindihan mo naman pala eh. Kundi ka ba naman isa't kalahating adik."

"I want to hear it directly from you."

"May crush na kasi ako.."

"Naks! Sino yan ha?"

"Wag ka mabibigla ha? Ikaw."

"Weh? Imposible naman yatang magustuhan mo ako."

"Minsan, hindi natin lubusang kilala ang sarili natin kahit na sabihin nating tayo yun. Ikaw nga kasi, bakit ba? Minsan may mga bagay na tanging ibang tao lang ang maaaring makadiskubre tungkol sa atin."

"Totoo ba iyan?"

"I would have not used this golden confidence of mine to tell you a lie."

"Ok, ok, I get it. Actually, I like you too."

"So there is a chance?", humihiyaw yung damdamin ko.

"Of course there is."

"But, please. Alam kong we still cannot make it into a relationship so, please, please lang talaga, wala sanang magbago ha?"

"Yes, yes. Pwede naman na daw ng fourth year hihi."

"By the way, may natanggap ka na package?"

"Not yet..", hala, nasaan kaya ang pinadala ko? "Wait, Ton, someone's on the door.", baka iyon na. "TOOOON! THANK YOU! I LOVE YOU."

Kelly's POV

Dumating sa bahay ang isang mama na nakasuot ng vest na kulay pula, may burda ng LBC. Taglay niya ang isang package. Nandun ang dalawang bote. Dalawang boteng pula ng kasiyahan. Kilala niya ako. Bote yun ng Skittles, nababalutan ng sulat na nagsasabing, "Happy Birthday". Teka, teka, did I sent it right? I love you? Jusko Lord, ano na naman ba iyong pinasok ko? Ayoko na masaktan!

Tumunog ang Messenger. "Love you too."

1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon