Tandang Pananong

30 1 0
                                        

Anton's POV

Matapos ang kagulat-gulat na pangyayari kanina, tinuloy lang namin yung date namin, kahit na parang hindi lang kami yung nagdedate sa aming mesa. Ang sweet ni Lolo dun sa babae, 'tang ina, yakap yakap pa habang magkatabi sa upuan. Bumubuo ng isang malaking tandang pananong ang mga tanong sa isip ko. Grabe, ganito pala ka-romantiko si Lolo!

Tumingin ako sa relo ko. "'Lo, Ma'am, babe, uwi na po tayo. Baka po kayo masaraduhan sa subdivision ninyo." Gabi na. Alas onse impunto.

"Sige babe! 'La, 'Lo, halika na po.", tumindig na ang dalawang matanda. Tumayo na din kami. 

"Hatid na kita, babe. 'Lo, ihahatid na po ba ninyo si Lola?", aba, teka, bakit Lola ang itinawag ko. Anak nang. 

"Oo apo, ako na bahala. Iaangkas ko na lang sa motor.", sabi ni Lolo. Lumabas na kami sa kapihan. Magkaholding-hands kami ni Kelly. At sila Lolo rin. Ano bang meron? Sinapian na naman yata si Lolo. Pero si Kupido yung sumapi. 

Dumating kami sa bahay nila Kelly. Bumaba yung matanda kaagad at kumaway lang kay Lolo. Syempre kami, iba. Niyakap ko na naman siya. Patalikod. Ang sarap niya yakapin.. na para bang ako'y laging piniprito sa freezer at naghahanap ng init. Matapos ko naman bitawan ang katawan niya ay hinalikan ko pataas hanggang sa leeg sabay bulong.

"Love you babe."

"Love you too.. love you more.", pabulong din niyang sabi sa akin. Lumakad na siya papunta sa pinto.

"Bye!", hindi na siya sumagot. Kumaway na lang siya habang nakangiti. Lalo akong mapapamahal sa iyo niyan eh!

Binagtas namin ni Lolo ang mga daanan patungo sa bahay. Nakarating kami nang mga alas once y media. 

"'Lo.."

"Bakit apo?"

"Sino ba yun?"

"Ku.. sinabi na niya kanina hindi ba? First Love daw niya ako.. at ganuon din naman ako." 

"Hala! Ang ganda naman ng love story niyo lolo! Kwento mo sa akin!"

"O, sige sige. Ganito iyan, nagkita kaming una ay noong ako ay... ano nga ba? Ayun, ikatlong taon sa sekondarya. Hapon nuon, sabado. E.. ang gawi namin nuon, kapag aming naisipan, kami ay pumupunta duon sa Escolta. Kumbaga ay, gala. Sikat ang Escolta nuon, busy street. Iyon ang mall nuong panahon namin, nuong panahon ng mga Kano. Ang madalas na nanduruon ay iyong mga masasabi mong makakapal ang bulsa. At tutal, medyo maykaya naman kami ay nakapupunta rin kami duon. Kumakain kami sa Clarke's, tindahan iyon ng sorbetes. Bumili ako ng soda, kaso nuong magbabayad na ako, hindi ko makita ang kalupi ko eh. Nakita ko, may babae, mula sa direksyon nung lamesa namin, may dalang wallet. Kinausap ko iyong babae. "Kayo ho ba si.. Paciano?", sabi nito. Nanduon sa kalupi ang I. D. ko. Eh, 'di sinabi ko, "Oho, ako ho. Buti ho at nakita ninyo ang aking kalupi! Salamat po!". Basta, ganuon ang una naming pagkikita. Iyon ay nuong Disyembre... a-nueve! 9th of December, 1939. Hiningi ko ang telepono at nang medyo makapag-usap rin naman kami lalo't tinawag na ako ng dalawang kaibigan ko. Mula nuon ay.. madami na kaming pinagsamahan. Isang araw, nagkita kami. Magaan na ang loob ko sa kanya. Nuon ko lang napansin na, ang ganda niya. Binigyan ko siya ng yakap nuong araw na iyon, kumbaga ay friendly hug. Napag-alaman ko na sa kabilang paaralan lang pala ng Santo Tomas siya nag-aaral, kaya't mas madalas na ang aming mga pagkikita. Unti unti ay nagkakagusto na ako sa kanya. Kaya nuong minsang tumawag ako sa telepono nila para batiin siya sa kanyang kaarawan, nadulas ako. Nagbabasa ako nun ng sulat sa akin ng Mama dati. Ayun, nasabi ko tuloy, I love you. Gaya nga 'nung sabi ko, nadulas ako, pero may pagkaganun na rin ang gusto kong sabihin. Hindi na siya sumagot dahil biglang naputol ang tawag. Nag-iwan na lang ako ng sulat sa kanyang locker sa school, sabi ko na magkita kami. Ang una niyang ibinulong sa akin 'nun, ay "Love you too." Medyo nagulat ako pero natutuwa rin. Niyakap ko siya, ulit, hindi basta yakap eh, iyon bang.. nais gumawa ng koneksyon? Ikukuwento ko sa susunod ang ibang mga pangyayari, ha? Gabi na, matulog ka na."

"'Lo! Bitin eh. Sige pa. Maaga pa. I mean, umaga na."

"Kaya nga, matulog ka na! Masakit lang alalahanin iyong iba apo.."

"Sige 'lo, kung saan ka masaya."

"Good night apo."

"Good night 'lo!" 

1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon