Reunion

50 0 0
                                    

Kelly's POV

Date Check: November 12. Anong meron? 12... 12.. monthsary namin! Pang ilan na ba? Pang.. pang- 83! 

"Babe! Happy 83rd monthsary!", minessage ko siya. Kakalapag ko pa lang ay may tumugon kaagad.

"Happy Monthsary babe! I love you to Pluto and back. Grabe, ganun na pala katagal 'yun? Btw, may narecieve ka bang invitation?"

"Invitation babe? What for? Papakasal na tayo?"

"Saka pa yun babe! Pero gusto mo na ba?"

"Oo eh. Hahaha joke lang. Ready muna tayo."

"Pero may natanggap ka na nga?"

"Wala pa babe eh. Bakit?"

"Kasal babe..."

"Nino?"

"Ni Casey beb!"

"EMEGERD! Kanino siya ikakasal babe? Grabe, miss ko na din yung babaeng yun eh. Naaalala ko tuloy yung selfie namin sa banyo kasama si Nicole."

"Ano ba naman babe, sa banyo talaga? Kasi babe, sabi sabihin ko na din daw sa iyo pero ipapadala daw niya yung invitation."

"Oo babe eh. Sige intayin ko na lang."

"Sa isang linggo na yun ah?"

"Oo babe. Sige bye muna ha, maliligo pa ako."

"Sige na. Bye na. Love you."

"Love you more."

Natapos na akong maligo at natanggap ko na din yung imbitasyon. Ikakasal na siya kay Paul! Basta Grade 6 pa lang, medyo sweet na yung dalawang yun eh. Kita mo nga naman, ang tadhana. Kami kaya, kelan ikakasal?

*One Week Ago*

Nagising ako. Tumunog ang cellphone ko.

"Babe, good morning!"

"Morning din babe! Alam mo babe.."

"Hindi pa."

"Panira ka ng tulog eh. Joke lang babe, love you."

"Ok na yun babe para magising ka sa katotohanang mahal na mahal kita."

"O, sige na, gonna make my breakfast. Bye muna ha?"

"Sige babe. Sana minsan ako na magluto ng breakfast mo."

"O, siya. Bye! Love ya!"

"Love you too."

Nakakain na ako. Alas tres na ng hapon. Alas cinco yung wedding. Maliligo na ako, mga isang oras pa ang byahe.

"Babe, are you ready?"

"Yes babe. Ikaw?"

"I'm ready. Sunduin na kita dyan?"

"Wag na babe. Pero punta ka dito, magcommute tayo. Baka tayo abutan ng ulan, makulimlim."

"Sige babe."

Dumating na kami sa kasal. Inabutan ko yung bride sa labas ng venue. Nasa labas pa si Anton, nag iikot ikot.

"Casey! Tagal nating hindi nagkita ah? Miss na kita!", niyakap ko siya. Isa talaga sa mga body language ko ang pagyakap.

"Kelly! Miss na din kita! Musta?"

"Eto naman, ok lang. Relationship going well. Kayo, kwento ka naman tungkol sa love story niyo! Huli kong naabutan yung nangyari sa inyo sa kanto ng canteen eh. Nakita kaya kita nun!"

"Grabe, 'di nga? So ano, nakakakilig naman ba? Hahaha.. basta mamaya!"

"Sige, pasok muna ako ha?"

"Sige."

Anton's POV

Sumunod na lang ako dun sa simbahan. Nagikot-ikot muna ako.

"Kamusta naman ang isa sa mga crush ko dati? Ano ba naman yan, hanggang ngayon, maganda ka pa din?", binulungan ko ang nakatalikod na si Casey. Niyakap niya ako pagharap niya, at muntik na akong nahalikan. Mygahd.

"Ton! Ok naman, eto sa kanya na! Nambola pa!"

"O, sige na ha, pasok na muna ako. Puntahan ko lang si Kelly."

"Sige ton!"

Nagsimula na ang seremonyas.

"You may now kiss the bride!", naalimpungatan ako nang sabihin na iyon ng pari. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Nanlaki ang mata ko at medyo lumingon sa altar. Ang shwet! Ang gentle lang humalik ni Paul, pero intimate! Gawin ko nga yan mamaya.

Nagpicturan na kami. Lumabas na sa simbahan ang lahat.

"Congrats par!", binati ko si Paul sa pagpunta niya sa bihisan at dumaan sa tapat namin sabay tapik sa likuran niya.

"Par, malulukot! Hahaha, lamat!", at dumeretso na siya sa bihisan.

Kami lang dalawa sa table. Maya-maya'y dumating ang rest of La Gente de Honor. May mga kasama ding asawa at kasintahan. Nakatuluyan ni Mara si Travis. Kay Reinan na si Ruth. Napunta naman kay Nicolas si Claire at napasakamay ni Angelito si Molly. At si Rian, ay may boyfriend na rin naman, si Danilo. Nagkamustahan kami sandali hanggang sa napunta sa usapin ng lovelife. At eto, duon na sa lovelife ko.

"Ton. Patunayan mo ngang girlfriend mo na talaga si Kelly labs namin?", panunudyo ni Mara. Pinagmasdan ko silang lahat, nakatingin silang lahat sa akin. Nanlaki ang mata ng lahat. Kasama ako. Hinalikan niya ako.

"So, Ton, sino ang first kiss mo?", sa labi niya ako hinalikan eh. Pero sandali lang. Medyo nabitin ako.

So sinunggaban ko ang mga labi niya at hinalikan siya. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, and cut!

"Yan ang kiss, babe. So sino ang first kiss mo?", nakatingin ang lahat sa amin, kasama na ang bagong kasal.

"Ah, eh, maistorbo ko lang ang moment niyo ha? Pictorial muna tayo.", wika ni Paul habang medyo nangingiti pa ako. Saktong sakto sa picture.

Natapos na kami kumain.

"Ok, so ngayon, oras na para ihagis ng bride ang bouquet! We are calling the attention of all the single ladies out there, come and join us!", sabi ng emcee. Pumunta si Kelly dun at binigyan ako ng ngiting may halong pang-aasar. Kinindatan ko siya. Humarap na uli ako sa mesa at kinausap ang mga lalaki sa mesa namin. Inabot ko ang goblet sa mesa nang bigla akong kalabitin ni Rian. 'Di siya makapagpigil ng kilig, at may natapong tubig na galing sa goblet sa kamay ko. Sayang!

"Bakit Rian?"

"Nasalo ni Kelly!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon