Anton's POV
Isang buwan na mula nung naging kami. Mai-message nga siya, gusto ko uli siya makita.
"Babe!"
"Hey Babe! I am to take a bath, would you mind watching?"
"Watching? Potek!"
"Ay sorry wrongsend! Waiting yan hahahaha!"
"Ok lang naman sa akin yung watching.."
"Wag ka ngang manyak!"
"Sige na babe. Video Call ako."
"Che! Sige na maliligo na ako!"
"Ok, babe, sige ligo ka na." Makalipas ang ilang minuto ay nagreply na din siya.
"Just finished babe. Bakit po?"
"Let's go on a date tonight!"
"Sure! Saan?"
"Tarvax?"
"Wala na akong datung babe."
"Libre ko enebe."
"Yeey! Tena!"
"Hala siya, excited! Maya, mga 9?"
"Sige sige. I wanna see you na kasi."
"Naks naman! Sige babe ayusin ko lang yung motor para makapasok tayo sa NLEX. Gonna fetch you at ur house at 8:30."
"Ok babe! Love you!"
"Love you babe!"
Pumunta ako sa garahe para linisin at ayusin yung motor ko. Japorms dapat!
"Apo, ano yang hinihimas himas mo dyan?"
"Nililinis ko yung motor 'lo, may date kami ni Kelly."
"Naks naman! Pwede ba akong sumama apo?"
"Oo naman 'lo. Ipakikilala kita sa kanya."
"Pakilinis na lang iyang motor ko apo. Kailangang mahatak uli ang aking mga masel!"
"Sige 'lo, basta kaya niyo pa ah?"
"Oo naman!"
Nalinis ko na ang mga motor namin ni Lolo.
"Apo, magluto ka na!"
"Sige po 'lo, ano ho ba ang mayroon dyan?"
"There are some poultry in here, Selenium-filled chicken menstruation.. sardina pilchardus.."
"Potek, 'lo, anong pinagsasasabi niyo?"
"Yung ulam.. I mean the viands.", sumilip ako sa ref. Tapos sa food cabinet.
"Jusko naman, itlog lang pala yun tsaka sardinas!"
"Iyan na lang ang meron tayo kaya pina-sosyal ko ng konti ang tawag. Pasensya na apo, ha?"
"Ok lang po, 'lo, 'di bale 'lo, bukas mag-gogrocery tayo."
"Sige, sige. Basta magluto ka na, baka tayo mahuli sa iyong deyt!"
"Alas otso y media pa tayo aalis 'lo! 'Di pa nga ako naliligo eh."
"Basta saing na, luto na. Gutom na ako eh."
"Opo, 'lo!"
Kalalabas ko lang sa banyo mula sa pagkakaligo. Dinampot ko yung mga damit na hinanda ko at sinuot na. May kulang. Wala yung wax ko!
Hinanap ko yung wax sa buong kwarto, pero wala. Naitaob ko na nga yung kama eh. Pumunta na lang ako sa kwarto ni Lolo. Alam kong may gel siya dun.
"Apo, nasaan ang lawaypusa ko dito?", huh?
"Lawaypusa?"
"Ku, yung pampakintab ng buhok.. yung gelatin mong gamit nung nakaraan!"
"Gel ba 'lo?"
"Yun yata ang tawag niyo duon.."
"Eto 'lo. Nasaan po ba yung wax ko?"
"Wax?"
"Iyon hong nakalagay sa parang lalagyan ng litson meat na plastic.. malagkit.. kulay abo ho ang takip."
"Ah, eh ganun yung lalagyan ko ng floor wax. Tignan mo sa garahe may dalawang lalagyan dun."
Lumabas ako para tignan kung nanduon. Tiningnan ko pareho. Patay, ubos na yung wax ko! Floor wax yung nasa lalagyan eh, pareho. Buti na lang din ang gel ni lolo ang nagamit ko, kundi ang buhok ko ay magiging:
"Star Wax, Star Wax, Kintab ay to the Max!"
Lumabas na kami ng bahay. Papunta na kami sa bahay nina Kelly.
"Punyeta apo! Maganda nga!", sabi ni Lolo nang makitang dumungaw sa bintana si Kelly. "Yiee, kinikilig ang apo ko!"
BINABASA MO ANG
1942
RomanceDalawang magkaklase na may crush sa isa't isa, na magiging mag boyfriend at girlfriend. At isang araw, ay sumama ang grandparents nila sa kanilang date, at duon nila malalaman na ang lolo ni boy at ang lola ni girl ay mayroon palang past bago ang Wo...