Chiuaua

51 1 0
                                    

Kelly's POV

"Alam niyo yung Locked out of Heaven?", tanong ko sa mga kasamahan namin. Music Subject namin ngayon, next week, kakanta. Kailangan daw meron nung chorvanes eklavu, malay ko ba kung ano iyon. Basta yun ang pumasok na kanta sa isip ko.

"Paano ba yun? Kantahin mo nga?", sabi ng isa naming kaklase na si Ton para sa kanyang mga kaibigan niya. Di na gaanong mahalaga kung sino siya. Ang mas mahalagang tanong, paano ko ito kakantahin? Ang panget ng boses ko eh.

"'Cause you make me feel like, I've been locked out of heaven.. for too long.. for too long.."

"Familiar siya."

Nagkasundo kami na bibigyan naman namin sila ng mga kopya. So, ok na.

Anton's POV

Nanatili sa isip ko yung kinanta niya. At napalitan ang mga katagang 'for too long..' ng 'chiuauaua..'. Laki kong adik.

Syempre, jeproks na naman ito, so kelangan ng effort. Kaya ngayon ay nandito ako sa kwarto, nakikinig sa tablet nung Locked Out Of Heaven, nakaearphones para 'di marinig ni Lolo yung tugtog, tulog eh. Nagulat ako sa isang nadinig ko:

"'Cause your sex takes me to paradise.."

At dun ko na-realize na hindi pala lapat yung pagkakalagay ko ng earphone. Buti tulog, kundi nadinig ang kababalaghan. At malalagot ako. Naintindihan ko naman yung mga lirika, nagustuhan ko yung tono. Feeling ko mae-LSS ako buong linggo.

Bago ang araw ng paghuhusga, este ng aming presentasyon, sa klase ni Mr. Cabaña. Bigla akong nasuka. Sa hindi maintindihang kadahilanan. Nasusuka na kasi ako, kaso di umabot sa banyo. Dun ako inabutan sa pintuan. Napilitan tuloy mag-mop yung kaklase ko. Sorry po, Romano.

Hinatid ako sa clinic ng isang kaklase.

"Ok ka lang ba?"

"Malayo sa bituka!"

Nasa clinic na ako nung naisip ko yung nangyari ilang araw ang nakalilipas. Sa subject ni Ms. Calderon..

**FLASHBACK**

Nagchecheck kami ng gawain sa libro. Ayaw tuminta ng green ballpen ko. At dahil sadyang independent at maparaan (ehem) tinatamad maghiram ay hinipan ko yung green ballpen ko. At kung hindi ba naman ako saksakan ng tanga, pahigop pala yung ginawa ko. Aba'y pagkatino-tino! Ayun, edi napunta sa uniform at bibig ko yung tinta. Napagalitan na ako pag-uwi, may trauma pa na baka meron akong nainom na tinta. Ang pinampahid ko pa naman nun ay pinagtagpi-tagping piraso ng 1/4 sheet of paper.

**End of Flashback**

Kaya! Baka may nainom ako na tinta. Sarap kasi eh, Mint Flavor. Maya maya, matapos ang matagal kong paghihintay, dumating ang isa kong kaklase. Dala-dala niya yung bag ko, at isang illustration board na may clay at plastic cover na mayroong model ng puso, kahit mukhang gagamba.

Nandito na ako sa bahay, kinuha ko na yung tablet. Ano kaya yung assignment?

Minessage ko si Casey. At dahil atat ako, minessage ko din si Kelly. Nagreply sila pareho. Syempre pareho din yung sagot. Nagmessage uli si Kelly.

"Kung hindi mo kaya bukas, wag ka na pumasok."

"Hindi, kakayanin para sa chiuauaua.."

Kinabukasan, pumasok ako. Sinabi ko papasok ako eh. Di naman ako paasa syempre..

"Naks!", may boses akong nadinig. Di ko na lang pinansin.

Dumating na ang oras. Magpeperform na kami. Hindi umubra yung dala nilang CP para sa music. Ang hina. Tapos ang hina pa ng boses namin. Nakakuha pa din naman kami ng disenteng score... at hindi ko makakalimutan iyong chiuaua na iyun.


At dun sa assignment na tinanong ko sa kanila? Di ko din nagawa. Buti na lang talaga at mabait si Mr. Cabaña, pinagsagot pa din ako.

1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon