Lumilipas ang Panahon

53 1 0
                                    

Anton's POV

Naliligo ako. Tumunog yung Messenger.

"Hey, Ton! Musta ka na?"

Nagbihis ako. Madaling madali. Wala nang suotan ng brief, mamaya na! Kung sino siya? Hulaan niyo!

"Hello! Ok naman ako dito. Ikaw? May boyfriend ka na ano?"

"Hala! Wala pa ano? Ok lang din naman ako. Tooooon"

"Bakit?"

"Miss na kita ton."

"Miss na din kita. Magkita tayo?"

"Sure! Kelan?"

"Later at 6? Dun sa park. Pwede ka?"

"Gesi! Game ako dyan."

May nadinig akong tugtog sa radyo. "Going back to the corner where I first saw you.." Ako naman, where I last saw you. Miss ko na din naman kasi siya. Witwiw!

"Oh, apo, saan ka magtutungo?", sabi ni Lolo nang nakita niyang nakabihis ako. Polo Shirt. Blue Jeans. At nagpapahid ng... "Tsaka bakit ka nagpapahid ng gelatin?"

"Dyan po sa park, kikitain ko si Kelly, lo. Tsaka, lo, gel po ito, hindi po gelatin.", kulay pink kasi.

"Kelly..Kelly?", ginugunita ni Lolo sa isip niya habang tuloy ako sa pag-aayos ng buhok. "Parang hindi mo pa naikukuwento sa akin iyang Kelly na iyan ha? Baka mamaya ay gerpren mo na iyan!"

"'Di pa ba 'lo? Bakit 'lo, bawal pa ba?", sabi ko kay Lolo. Ang lufet 'no?

"Pwedeng pwede na! Pero sana naman ay ikukuwento mo sa akin, baka mamaya eh chicks iyan eh kailangan ko iyang makita."

"Hay nako, 'lo, kaya ka naka-apat eh! Pero 'lo, pramis, isa itong malupet na chicks!"

"Edi bale, kasintahan mo na nga? Date ba ninyo ngayon? Bakit wala ka man lang dalang chikolet o 'di kaya naman ay rosas na kagat-kagat?"

"'Lo, hindi! Pero gusto ko na rin syotain 'lo. Dadaan na lang ako dyan sa tindahan para sa regalo. Tsaka 'lo, hindi rin po namin date. Pero kakain kami...."

"Naku, wag mong pakatipirin iyan. At lalong huwag mong sasabihin sa aking duon mo lang iyan pakakainin sa Carinderia ni Aling Mary! Hindi lang ito dun sa matter ng chicks chicks, kasi sabi mo kako, gusto mong maisyota."

"Opo, 'lo.. iba ka rin pala 'lo ah."

"Kahit na apat ang naging ano ko, dalawa duon ang minahal kong higit pa sa totoo. Iniyakan ko, yun bang hindi ako makatulog kaiisip sa kanilang mukha, sa aming mga pinag-uusapan.."

"O, sige po, 'lo, aalis na po ako, alas-seis po kasi ang aming usapan. Bye 'lo!"

"Bye apo!"

"Para po!", sabay kalabit sa nagmamaneho ng tricycle pagsapit namin sa arko ng parke. 

"WELCOME"

Hinanap ko ang upuang kinauupuan ni Kelly 'nung huli ko siyang nakita. Dalawang bangko mula sa Carinderia ni Aling Mary ang kinaroroonan nito. May nakaupo, sayang.

"Baluuuuuuuuut!"

"Kuya, magkano po?"

"Katorse lang ser."

Bumalik ako dun sa upuan, wala nang tao. Tumingin ako sa relo ko. 17:59. 

"Ton!", at niyakap niya muli ako. Imbes na magulat gaya nung unang beses, niyakap ko rin siya. Ilang segundo rin iyon.

"Kamusta ka na Kelly? It has been two years, right?", ako na ang nagsimula ng usapan.

"Ambilis ng panahon, Ton! Parang kailan lang.. Ok naman ako. Campus crush pa din. Hahaha, joke lang! Eto, minsan top 5, minsan 8... Ikaw ba?"

"Maayo lang din naman ang bohay.. Kels, salamat ha?"

"For what? Tuwing nagkikita nga tayo ikaw ang may sagot sa pagkain. And.. ikaw yung patuloy na naghohold on kahit pakiramdam ko naiisnob naman na kita. Salamat, Ton, salamat."

"Naks naman! Salamat kasi.. kahit dun sa sinabi ko, na may gusto ako sa iyo, hindi naman tayo nagbago. Masaya na ako sa ganun eh. Salamat."

"Hay naku, wala yun. Enough with that drama matter. May girlfriend ka na ba?"

"Wala pa Kels. Pero may napupusuan ako."

"Si.."

"Si..kret na muna. Malalaman mo rin sa tamang panahon.."

"Ikaw ha, lumalablayp ka na."

"Ikaw ba, meron na?"

"Syempre, meron! In a relationship na ako, matagal na!"

"Tang.. bakit 'di ako updated?! Tsaka kanino? Dapat gwapings yan, mabait..yung aalagaan ka.."

Kelly's POV

Shet, bakit ang cheesy niya magsalita?

"Yung aalagaan ka.."

"Kay Lord lang naman Ton, oo, sigurado akong aalagaan 'nun."

"Ah.. ok. Oo nga pala matagal na kayong mag-on. Alam mo, isa sa nagustuhan ko sa iyo yan eh. Malapit ka kay Lord."

"Che! Wag ka ngang ano! Nagkataon lang nun na may gusto pala tayo sa isa't isa."

"Bakit, 'di pa pwede na ako yung maging pangalawa mong boyfriend?"

"Pwedeng pwede. Ton, aamin na ako, ha? Alam ko hindi na ako Maria Clara sa gagawin kong ito pero.. ikaw rin naman kasi yung gusto kong maging pangalawang boyfriend eh."

"Darating tayo, dyan, Kelly. Intay ka lang.."

"Wait, what?"

"Basta..", hinablot niya ang kamay ko, at dahan-dahang kaming lumakad patungo sa isang restawran. 

"Dalawa nito, tsaka dalawang iced tea, tsaka ito.", si Anton ang nagpasya ng aming hapunan nang araw na iyon.  

"Ok po, sir. Teka, sir, diba po kayo yung nakita ko dun sa Carinderia ni Aling Mary nung makalawang taon? Tapos siya din po yung kasama ninyo?", sabi nung waiter.

"Oo, ikaw nga yun!"

"Ano, sir, sabi ko sa inyo eh, wag niyo yang pakakawalan eh. Edi ayan oh, magkasama pa rin kayo!", dumaan yung manager kaya't umasta siya na kumukuha pa rin ng order. Bastos na bata.

"Hahaha, magkakatuluyan pa lang ho. Sige na ho at i-punch na ninyo iyang order namin baka mamaya kasal na kami 'di pa kami nakapaghahapunan.", ay, ang sarcastic be! Pero, wait, what? MAGKAKATULUYAN? Emegerd!

1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon