Bakasyon-muli

55 1 0
                                    

Anton's POV

"Apo, malapit na ang bakasyon niyo. Wala ka pa din bang napupusuan dun sa iskul ninyo?", naalala ko yung sinabi ni Lolo. Bigla kasing natanong nitong kaibigan ko. 

"Tons, wala ka pa bang crush?", sabi ni Nicolas sa akin, habang nasa kalagitnaan ng usapan namin tungkol sa crush. Niya.

"Feeling ko kasi Nic, meron na. Pero parang di ko sila kilala? Or baka 'di ko lang kilala yung kung sino talaga, kasi parang dalawa Nic.", sabi ko. Dalawa kasi talaga yung naiisip ko. Isa na dun si Kelly. Marami-rami na kaming napag-usapan mula nung una kaming mag-usap, I think mga 2,500 na ang messages namin. At alam ko pa din kung kailan ko siya unang minessage. Ika-dalawamputlima ng Hulyo 2015.

"Pwede ba yun, Ton?"

"Malamang! Kung hindi, ano itong nararamdaman ko?"

"Sige bye muna ha?"

"Gegege."

Nagpatuloy ako sa paglalaro. Kasi naman itong si Nicolas eh. Balik tayo dun sa isa sa hinihinalaan kong aking hinahangaan. Tuwing biyernes, nag-uusap kami. Mula alas-diyes, hanggang alas-dose. Nagsimula yun nung nagmessage ako sa kanya nung tungkol sa Skittles na iyon. Naalala ko pa nung Christmas Party namin, binigyan ako ng isang pack ng droga na iyon ng isang kaklase. Itago natin siya sa pangalang Kiana Joana. Siguro dalawang linggo bago ko binuksan iyon! Simula kasi 'nung gabi na nagmessage nga ako tungkol dun sa Skittles, naging simbolo na ng kaadikan, at kabaliwan ang kending iyon, at naaalala ko siya tuwing madidinig ko iyon. 

"Ton! Ano ba naman kanina pa kita tinatawag!", hala, tinatawag pala ako!

"Sorry po, 'lo. Bakit po ba?"

"Maligo ka na at lalabhan ko iyang damit mo."

"Sige po lo, iaabot ko na lang dun sa banyo. Wga niyo i-aalmirol lo ah?"

"Oo na sige."

Natapos na ako maligo. 

"Ton, halika, pupunta tayo sa palengke."

"'Lo, may ulam pa ho riyan."

"Bakit, ang idadamit mo ba bukas at gagamitin ay ulam? Bibili ako ng uniporme mo at notbuk, tsaka kwaderno, tsaka iyong ballpen." Jeans na pigue, japorms nun!

"Sige po, 'lo."

"'Lo, bili po ako nito ha?", habang hawak ang isang bote ng Skittles. Nandito na kami sa convenience store. Bibili ng coke, bumababa ang BP ni Lolo. Susunod na ang palengke.

"Wag dito, apo."

Nainis ako. Minsan lang ako magpabili eh.

"Apo, eto na lang!", hawak ni Lolo Syano ay isang bote, Skittles din. Sinlaki nung hawak ko kanina. "Mas mura kasi dito apo. Mahal dun."

"Ok, lo! Thank you!"

Nakabili na kami ng mga kailangang gamit.

Naaamoy ko ang samyo ng Adobong niluluto. Bango! 

"'Lo, ang aga po ninyo yatang nagluto?"

"Kailangan mong matulog ng maaga. May pasok ka na bukas."

"Hala, meron na nga palang pasok bukas!"

"Eto oh, luto na, sabay na tayong kumain. Nagugutom na ako eh."

"Sige po, 'lo.", sinandukan ko na ng kanin si Lolo. 

"Ambait naman ng aking apo!"

"Syempre, para sa ápo!"

"Ikaw apo ha, fart you! Hindi naman ako ganun katanda! Parang 91 lang eh.", sorry na 'lo! "Tsaka ako ay alive and still kicking!"

Patulog na ako. Inaantok ngunit ang aking diwa ay ayaw matulog. Di ko alam kung bakit. 

"'Di ka makatulog apo?

"Oo, lo eh!"

"Baka excited ka."

"Bakit 'lo, di rin naman ako makatulog bago ako tuliin, eh di ibig sabihin excited ako nun?"

"Aba malay ko sa iyo!"

Pero excited din naman kasi ako. Konti. Makita yung dating mga kaklase. 

1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon