Suka

136 3 1
                                    

Anton's POV

"Ton!", may tumawag ba sa akin?

"Anton!", hala ayan na naman! Masamang espiritu, lumayas ka sa pamamahay na ito!

"ANTONINO!", ay, tao pala. Si Lolo pala yun, hahaha.

"Bakit po lo?", sigaw ko mula sa kwarto.

"Ano bagang ginagawa mo riyan? Halika dito at may ipapabili ako sa iyo." ganda kasi ng tugtog na napindot ko eh.

"Shu bibi pul mi kloser in da baksit op yur rovir.."

"Nakaearphone po kasi ako nakikinig ako ng tugtog, lo. Eto po lo tignan niyo." sabi ko habang papalabas sa kwarto.

Nanlaki ang mata ni Lolo. Di kumukurap. Nakatingin na siya sa akin. Hala, paktay.

"Ano ba itong pinapanuod mo? Bakit naka-underwear lang iyang babae?", nakakunot na ang noo niya. Thorry na loloy!

"Beach outfit ang tawag dyan, lo. Seksi, no?", palusot ko naman.

"Sa bagay. O, siya, siya, bumili ka ng suka dyan kila Aling Buding. Dalawang pakete, apo. Eto ang pera.", kitams, naseksihan din si Lolo!

"Sige lo.", nakatakas din.

"Sige na ha, at wag kang magtatagal, magrereview ka pa.", sabi ni lolo.

"Opo."

"Ano kaya ang pangalan nun'g babaeng yun? Maligawan nga bukas.", bulong ni lolo. Type pala niya, nyahaha!

Bumalik ako galing sa tindahan na may dalang dalawang cube.

"Nasaan ang suka? Magluluto na ako ng paksiw." sabay sa pagbagsak niya ng damit sa damuhan para makula.

"Saktong sakto lo! Nakabili ako ng paksiw mix!", sabi ko na parang endorser nung paksiw cubes.

"Anak ka ng tinapay! Sabi ko suka, hindi paksiw mix!", sigaw ni lolo. Lagot na naman ako.

"Eh lo alam ko namang magluluto ka ng paksiw kaya eto na ang binili ko. Mas mura pa!", palusot ko, muli.

"Eh ibababad ko mamaya itong paa ko sa tubig na may suka kasi nabaha kahapon. Ano ngayon ang gagamitin ko eh iyang paksiw mix ang binili mo? Sinasabi ko sa iyo, kung 'di lang kita apo, ginawa na kitang lechong kawali! Sarap pa naman nun.", ang speech ng pari.

"Try niyo lo lusawin sa tubig yung mix tapos dun po ninyo ibabad.", biro ko pa.

"Adik!", sabi niya habang patungo sa kusina.

Ako nga pala si Antonino Rivera III, Grade 6 student sa isang private school dito sa Bulacan. Bukas na ang aming huling exam, at dito pa din daw ako next year. By the way, I was born.. upside down, I felt my grandma put my feet on the ground. Jk. Pinanganak ako nung January 8, 2002. Yung kanina, yun ang aking lolong minsan ay loloko loko, si Lolo Paciano. Syano, for short. Mahal na mahal ko iyan kahit madalas niya ako mapagalitan, kasi siya na ang nag alaga sa akin mula nung nag abroad si Mama at di na bumalik, buti na lang at nagpapadala siya paminsan minsan, na para na rin makatulong sa amin ni Lolo. Si Papa naman ay sumakabilang......bahay. At siya pa rin ang kasama ko sa bahay sa edad niyang 91. Sige na, dyan na muna kayo. Magrereview na muna ako.

1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon