Alaala

39 1 0
                                    

Anton's POV

Kakauwi lang namin galing kasal. And yeah, it was pretty sweet not only for the newly weds but for us also. 

"Hey, babe!", tumawag ako sa cellphone niya. I already miss her.

"Hey babe! Miss mo na ba ako kaagad?"

"Uhm, yeah.."

"So, bakit ka napatawag?"

"Wala lang. Good night call?"

"Good night kiss, gusto mo?"

"Syempre naman babe!"

"Aba, pumunta ka dito!"

"Saka na lang babe. Gabi na oh, dumudumi tuloy isip ko."

"Gago! Bumili ka ng Trust."

"Shit tama na nga! Good night na babe! Love you."

"Love you din babe.."

"Apo, si Kelly ba iyan?", sabi ni Lolo.

"Opo 'lo, bakit?"

"Hingin mo nga ang telepono nila."

"'Lo, bakit? May telepono naman tayo ah?"

"Sira! Yung numero!"

"Ah sige 'lo."

Binaba ko na ang tawag matapos hingin ang numero nila. Binigay ko na kay Lolo.

"Sino ba ang tatawagan mo 'lo?"

"Sino pa ba?"

"Only Binay.."

"Ku, baliw ka talaga kahit kailan!"

"Kanino nagmana?"

Hindi na sumagot si Lolo dahil nagsimula nang mag-ring ang telepono.

Syano's POV

Kakausapin ko lang naman si Honorata.

"Hello?"

"Hello?", boses dalaga ang narinig ko.

"Kelly, ikaw ba iyan?"

"Oh, Lolo! Bakit po kayo napatawag?"

"Kausapin ko ang lola mo."

"Sige po 'lo, tatawagin ko lang."

"Hilo?"

"Hindi ako hilo!"

"E.. 'di hello?"

"Honorata?"

"O, Paciano! Ikaw naman kung tatawag ka ay aga-agahan mo ng konti! Alas onse y media na!"

"Ah, eh pasensya na! Sasabihin ko lang naman sanang magkita tayo bukas, kumustahan ba? Alas siete sa parke?"

"Sige, sige. O, sige na at matutulog na ako. Buwisit naman itong romantikong ito eh.."

"Sige, goodnight! Te Amo."

"Te amo.."

*Kinabukasan*

"Apo.." 

"Lolo?"

"Pahiram nga ako ng pabango mo."

"Mayroon po sa cabinet niyo nung pabango niyo."

1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon