Kelly's POV
Gusto ko na kasi siya makita. Hays, babe. Bakit parang gusto kitang makasama sa pagtulog ko mamaya? (Wag kayong gm!)
"Lola..", sabi ko mula sa salas.
"Bakit apo?"
"Panahon na po siguro para malaman niyong may boyfriend na apo ako."
"Ok apo. Salamat naman at sinabi mo sa akin."
"Bakit parang hindi ka nagulat 'la, or ano?"
"Aba, paano ako magugulat eh alam kong may kasintahan ka na!", what do you mean? "Sinabi sa akin ng Kuya Christopher mo. Kasi daw apo, naglog-in ka sa browser ng tablet, edi nabuksan nung kuya mo. Alam mo namang marunong sa kompyuter yun eh! Tapos ay nakita daw iyong messages ninyo nung Antonio ba iyon? Sa susunod kasi apo, matuto kang gumamit ng Private Browsing at magdelete ng history!"
"Antonino po 'la. Bawal pa po ba?"
"Hindi naman sa ganun.. kaso sasabihin mo sana kaagad sa akin kapag may kasintahan ka na. Baka mamaya ay hindi pala naman marunong magsibak ng kahoy.. o kaya'y mag-igib sa Angat.."
"Ay grabe naman po kayo lola! Wag naman po ganun.."
"Ayiiee, ang apo ko! Lumalablap ka na ha? Ayaw nahihirapan si Antonino.."
"Syempre naman 'la."
"Pero bakit biglang pumasok sa isip mong sabihin sa akin iyan?"
"May date kasi kami mamaya lola.."
"O, kita mo! Kundi pa kayo magdedate edi hindi mo sasabihin sa akin!"
"Sorry na 'la!"
"O, siya, siya, pwede ba akong sumama?"
"Iyon talaga ang pakay ko 'la."
"Saan ba apo?"
"Sa NLEx 'la."
"Ay teka, may pulong nga pala kami sa Senior Citizen Club! Kaso parang NLEx din naman iyong pupuntahan. Susunod na lang ako. Saan ba kayo sa NLEx?"
"Starbucks po. Tsaka 'la kasi susunduin daw ako dito sa bahay kaya hindi po uubrang sabay tayo."
"O, sige sige, susunod ako ha?"
"Sige po 'la."
Alas otso na nang gabi. Magbibihis na ako.
"Ang ganda naman ng apo ko!", loko itong si Lola! 'Di pa nga ako tapos magbihis eh.
"Hala! Lola naman bakit bigla biglang kang pumapasok wala pa akong pang-itaas!"
"Ano ka ba namang bata ka? Ilang beses ko nang nakita iyan!"
"Sige po 'la, magbibihis na po muna ako."
"Sige apo, aalis na rin ako eh. Bye apo, intayin mo ako duon."
"Bye din po lola, ingat!"
Natapos akong magbihis. Nagsuot ako ng jeans na short na haba haba ng konti at cropped top. He will be mine tonight!
Dumating ang dalawang motor sa bahay. Gosh, bakit dalawa? Lumabas ako ng bahay para makita kung sino iyon kahit alam ko naman na siya na yun. Hindi naman nagkamali ang aking pakiramdam, siya nga yun.
"'Lo, si Kelly po. Babe, si Lolo.", lolo pala niya yung nasa isang motor. In fairness, grooving kahit mukhang.. ok, medyo matanda na.
"Good evening po, sir.", bati ko.
"Magandang gabi hija, wag mo na akong i-sir! Lolo na lang din.", sabay nginitian ako ni.. Lolo.
"Tara na babe, 'lo.", at sumakay na kami sa mga motor.
We are in the middle of the roundabout.
"Hoy! Anton!", nadinig kong sumigaw si Lolo.
"Bakit po 'lo?"
"Letse ka! Sabi mo malapit lang, aba ay lalagpas pala tayo ng Tollgate!"
"Bakit lolo, hindi mo na ba kaya?", kinakabahan ako dito sa matandang ito eh!
"Hindi! Wala akong pambayad ng toll! Tsaka 400 CC ba itong motor ko?"
"Potek, 'lo, yun lang pala! Ako na magbabayad. 400 yan 'lo, calm down.", ibang klase silang maglolo!
BINABASA MO ANG
1942
Любовные романыDalawang magkaklase na may crush sa isa't isa, na magiging mag boyfriend at girlfriend. At isang araw, ay sumama ang grandparents nila sa kanilang date, at duon nila malalaman na ang lolo ni boy at ang lola ni girl ay mayroon palang past bago ang Wo...