Bawal na Gamot

48 1 0
                                    

"At nang ako ay magising sa kasalanang nagawa, kinabukasan ko ay nawala."

Kelly's POV

"Lola! Bibili lang po ako dyan sa FamilyMart!", sabi ko sa lola ko. 92 na siya.. siya ang kasama ko sa bahay at ang kuya ko, siya na ang kumikita sa amin. Meron siyang business, sideline ba? 

"Hindi na hija. Mag-gigrocery naman tayo mamaya eh, duon na lang. Magbibihis na laang naman ako tsaka maliligo."

"Sige po la."

"Me, pahingi nga ako ng tubig!", sumigaw si Kuya. Nandyan na pala siya.

"Kuya!", syempre sigaw naman ako. "Yung uwi ko?"

"Eto na, oh! Bilis ikuha mo na ako nauuhaw na ako. Kala mo ba lumakad lang ako mula dun sa sakayan ng tricycle papunta dito kasi nawala pitaka ko! Buti nabili ko na iyang uwi mo."

"Eto na kuya, oh. Thanks kuya!", pagbalik ko, may dala na akong kutsara, dalawa. Ang uwi kasi ni kuya ay isang galong ice cream. Syempre pagod siya kaya bibigyan ko naman, pero kaya ko ubusin lahat yun in 30 minutes. 

"Apo, halika na, alis na tayo!", sabi ni Lola. Kanina lang kumakain pa kami ah? Ubos na pala. 10 minutes, ubos! "Oh, hija, nandito na pala ang kuya mo.. Chris, sumama ka na sa amin."

"Sige po la, game ako dyan!", sabi ni kuya. Kuya, kala ko ba pagod ka? Hay nako..

Nandito na kami sa grocery, kasama ni kuya si Lola. 

"Kuya, la, iikot lang po ako. Intayin ko na lang po kayo dun sa counter, diba po la, konti lang naman yung bibilhin niyo?"

"Oo apo, sige. Eto oh, baka may gusto ka bilhin.", inabutan ako ng ₱100 ni lola. Yiee, ang sweet!

"Tengkyu la!"

Pumunta ako sa candy section. Bumili ako ng Kitkat, yung matcha, at dalawang bote ng Skittles. Sarap! Ok lang naman kay lola yun.. kasi once every two months lang naman ako magpabili kaya kagat ng langgam lang ang ginagawa ko.

Nakita ko sila Lola dun sa may counter, nagbabayad na. Nakita ni Kuya yung binili ko, kasi transparent yung plastic. 

"Me, may drugs yan!", alin? Pusang inamoy kuya.

"ALIN?!", kumunot tuloy yung noo ni Lola. Napatingin yung cashier at bagger.

"Yan daw Skittles may cocaine daw yan nabasa ko kanina!"

"'Di nga?"

"Oo nga!"

"PM mo sa akin mamaya!"

"Kdot."

Nakauwi kami at pinakita ni kuya yung sinasabi niya na nabasa niya. Shinare ko nga. Pero naubos ko pa din yung isang bote. Sarap kasi eh. NAKAKAADIK NGA!

Anton's POV

"Lo, walang wifi?"

"Oo apo eh."

"Padata ako lo!"

"Sige sige. Oh."

"Tenkyu lo!"

Kausap ko si Kelly ngayon. Medyo madalas ko na siya nakakausap ngayon.

"Sige nga, ano ibig sabihin ng SLRNES?", tanong niya. May sinabi kasi ako kanina eh.

"Susana L. Resureccion National Elementary School!"

"Galing! Pero hindi national. Kasi wala naman talagang N yun eh."

"Hahaha, hula lang naman eh. Nasa 100 truths mo kaya!"

"Nandun ba?"

"Mukhang napadami ng Skittles ah!"

"Oo nga eh medyo high."

"Libre mo 'ko para quits na tayo."

"Wala na nga akong pera eh."

"ANTON! Tama na 'yan baka maubos ang data ko mag iistatus pa ako mamaya eh!", tinawag ako ni Lolo.

"Opo lo!"

"Sige Kelly bye na ah? Baka maubos yung data eh gagamitin daw."

Dito pala sa conversation na ito mag-uumpisa ang isang grupo, ritwal, samahan. At naalala ko, libre nga pala ang data sa Facebook! Langya ka 'lo!

1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon