Kawawang Kaibigan

299 20 0
                                    

Mayroon siyang hindi nalalaman
Na siya na pala'y pinaguusapan
Buong madla ay siyang pinagtatawanan
At higit sa lahat ay siya na'y kinasusuklaman ng karamihan

Ang nagumpisa lang naman ng lahat ng iyan
Ay walang iba kundi ang kaniyang mga itinuring na mga kaibigan
Mga kaibigang kailanman
Ay hindi niya na dapat pang pinagkatiwalaan

Para na siyang nasa impyerno kung tutuusin
Dahil sa mga pasakit na kaniyang pinagdaraanan
Kawawang kaibigan
Siya nanama'y napagkaisahan

Napagkaisahan siya ng hindi niya namamalayan
At ang masasabi ko lang sa ngayon?
Huwag mo basta ibibigay ang tiwala mo
Lalong lalo na doon sa tao na siya mismong sisira nito

Mga Tula ni JilzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon