Dear Bestfriend

554 27 6
                                    

Alam mo?
May gusto akong sabihin sayo
Kaso hindi ko masabi sayo
Kaya't idadaan ko nalang ito sa pamamagitan ng pagsulat
Habang hindi pa huli ang lahat

Dito ko nalang sasabihin,
Nang sa ganun ay masabi ko na ang dapat kong aminin
Pero kasi bestfriend natatakot ako
Baka kasi iwasan mo ako?
O higit pa roon sa inaasahan ko
Tiyak pagsisisihan ko rin ang lahat ng 'to
Dahil ang aaminin ko lang naman ay inlove na ako sa BESTFRIEND KO—oo SAYO!

Hindi ko alam kung paano nangyari iyon
Basta'y bigla ko nalang itong naramdaman
Siguro habang binabasa mo ang mensaheng 'to
Panigurado nakasakay na ako sa eroplano
Kailangan na kasi kitang iwasan
Nang sa ganun ay hindi na ako masaktan
Pero kasi ito na ang nakikita kong magandang solusyon

Ay walang iba kundi ika'y layuan
At tuluyan ng kalimutan
Sorry pero kailangan ko itong gawin

Mga Tula ni JilzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon