Lamig

132 20 0
                                    

Habang ako'y nasa aking silid
Aking napagtanto
Na tama nga ang aking punto
Kaya't agad kong ipinatay ang aircon sa gilid

Sapagkat ang lamig ay sobra ng nakatitindig
Na animo'y kulang nalang ay maging Iceland na ang aking kwarto
Dahil sa lamig na dumadaloy rito
At buong kwarto ko'y dumadanas ng klimang sobrang napakalamig

Kaya't sa sa bandang huli
Panginginig ang siyang aking mararamdaman
Alam ko rin naman sa aking sarili
Na ako lamang ay mahihirapan

Ngunit alam ko parin
Na ito'y aking kakayanin
Sapagkat kung hindi ko mararanasang manginig
Kailanman ay hindi ko mararamdaman ang lamig

=x

Author's Note: Totoong nilalamig na po ako rito sa kwarto ko kaya't nagawan ko ito ng tula nang wala sa oras.

Mga Tula ni JilzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon