Sa bintanang iyon
Ay lagi kitang pinagmamasdan
Wala akong pinapalagpas ng pagkakataon
Palagi mong kasama ang iyong mga kaibiganMga ngiti mo'y singliwanag ng araw
Dahil sa mga paningin ko ito'y nakakasilaw
At ang mga ngiting iyon
Ang siyang naging dahilan
Upang ika'y aking matipuhanAko'y nagbabakasakali
Na ako'y mapansin mo
Ngunit alam ko sa aking sarili
Na malabong mangyari ang lahat ng 'toDahil paano mangyayari ang lahat ng aking mga pantasya
Kung sa umpisa naman talaga
Ay hindi mo naman ako kilala?
Ni hindi mo nga ako matignan sa aking mga mataHanggang sa bintana nalang talaga
Ang pagtingin ko
Sa isang tulad mo
Sa isang tulad mo—na kailanman
Ay hinding hindi mo ako mapapansinSa bintana ko rin nakita
Na may bago ka na palang syota
Sana'y magtaal kayo,
Dahil patuloy lang akong nakasilip sa inyo,
Rito sa bintana
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Jilz
PoetryHighest Rank Achieved: 2016 #1 in Poetry as of October 6, 2016 2019 #12 in Spoken Poetry as of January 2, 2019 #21 in Poem as of January 2, 2019 2020 #78 in Poem as of April 18, 2020 #12 in Mga Tula as of April 18, 2020 #11 in Spoken Poetry as of Ap...