Torpe

167 20 0
                                    

Hindi talaga maipagkakaila
Na ika'y may gusto sa kaniya
Hanggang tingin ka na lamang ba?
At tuluyan mo ng itatago ang iyong tunay na nadarama?

Kailan mo ba kasi balak sabihin?
Panigurado hindi ka naman niya iiwasan sa oras na ika'y umamin
Mga sasabihin mo ay kaniyang diringgin
At hinding hindi niya iyon babalewalahin

Sa oras na sabihin mo ang iyong nararamdaman
Wala rin namang masama kung hindi mo susubukan
Umamin kana habang hindi pa huli
Dahil tiyak sinasabi ko sayo, nasa huli ang pagsisisi

Mga Tula ni JilzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon