11:11

340 20 0
                                    

Anong nga bang mayroon?
Sa twentitri-eleben?
o eleben-eleben?
Kung ito'y kanilang tawagin

Na karamihan sa mga tao
Ay hinihintay ang pagsapit nito
Ito rin ang siyang dahilan
Kung kaya't napupuyat ang karamihan

Sinasabi rin ng ilan
Na isa lamang itong kahibangan
At siyang dapat ng itigil ng karamihan
Sapagkat ito'y malayong mangyari
At pinapaasa lamang nila ang kanilang mga sarili
Mula sa teoryang iyan

Kung ito'y binabasa mo sa ngayon
Ika'y aking tatanungin,
Naniniwala ka ba sa eleben-eleben?
At minsan mo rin bang isasambit ang iyong kahilingan?

Mga Tula ni JilzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon