La Promesse

74 6 0
                                    


Mga mata'y nanunubig

Nang dahil nanaman sa aking iniibig

Dinaig ko pa ang isang taong marupok na siyang dumaan sa isang daan na makitid

Sapagkat aaminin ko na ako'y nagmahal ng isang manhid

Isang salita ang nagawa niyang bitawan

Pero sa huli ay nagawa niya naman itong kalimutan

Kalimutan ang mga binitiwan niyang mga pangako

Na sa huli naman ay siyang napako

Hindi man siya aminado

Pero ako'y nakasisigurado

Na ako na lamang ang nakakaalala

Nung mga pangakong binitawan namin sa isa't isa na unti-unti ng nawawala

Author's note:

Waaaaa! After 123456789 years nakapagupdate din ako dito! 😌🎉

Ang "La Promesse" ay isa sa mga bago kong oneshot story dito sa Wattpad kung kaya't sana'y mabasa niyo ito dahil ang tulang ito na pinublish ko dito sa MTNJ ay kasama rin ito doon sa story na iyon 😅

By the way, kumusta ang first day nyo kanina? Hoping you all for the best this school year 😊

-OrangeLover18

Mga Tula ni JilzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon