Hindi talaga maipagkakait
Na siya'y ubod ng bait
Kahit na kami ay makulit
Kinikimkim niya na lamang ang kanyang galitKaming mga nasa unang seksyon
Ay siya'y ginawa naming inspirasyon
At hindi talaga maipagkakaila
Na siya'y lubos na dakilaAking ibibitaw ang isang katanungan
Ano nga ba ang kanyang ngalan?
Nararapat lamang na ito'y aking ipangalandakan
Na walang iba kundi si G. Jerald PanganSiya'y aking maikukumpara
Sa isang maliwanag na lampara
Sapagkat siya'y nakapagbibigay ng liwanag
Na kung saan ay patuloy kaming pinapatatagSa humigit kumulang ng isang taon
Ay aking nakilala sa ngayon
Ang isang natatanging guro
Na siyang nagsilbing aming tagapagturo=x
Author's note:
Long time no update 😅 actually ngayon lang ako ulit magaupdate 😌 last year pa kasi ung last kong update ehh 🙄 so I've decided na magupdate na 😊 also, takdang aralin namin ito sa Filipino (ulit) kaya nakagawa ako uli ng tula ng wala sa oras 😂 so yun advance happy Valentines sa inyo at advanced Happy Birthday sa akin hehez 😁 hanggang dito na lang 😉
-OrangeLover18
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Jilz
PoetryHighest Rank Achieved: 2016 #1 in Poetry as of October 6, 2016 2019 #12 in Spoken Poetry as of January 2, 2019 #21 in Poem as of January 2, 2019 2020 #78 in Poem as of April 18, 2020 #12 in Mga Tula as of April 18, 2020 #11 in Spoken Poetry as of Ap...