Tagay para sa #LetchengPagibig
Written by OrangeLover18
Date written: 09-19-18=×
Muli, tayo ay pinagtagpo
Iniisip ko kung isa nga lang ba itong tyempo?
Walang bakante kung kaya't sa tabi mo ako'y umupo
Nung oras na iyon ay nakaramdam din ako ng pagtatampoPagtatampo—sapagkat may mga alaalang bumabalik
Kasama na roon ang ating mga halik
Dati rati sayo ako nasasabik
Pinagdadasal ko na ang pagmamahalan nating dalawa ay muling maibalikHabang ako'y nakasilip sa bintana
Sa aking isipan ay nasabi kong mapaglaro talaga ang tadhana
Sa dinami-raming araw
Bakit ikaw pa ang biglang lumitaw?Akala ko tuluyan na akong nakalimot
Pero nung nakita kita ulit bumalik ako sa pagiging malambot
Bakit ba kasi ako marupok?
Ayaw ko ng umiyak pang muli sa isang sulok!Nung tayo'y magkahiwalay
Buhay ko'y nawalan ng kulay
Akala ko ako'y magiging matibay
Iyon pala makikisama lang rin ako sa mga kaibigan ko na tumagaySa paglipas ng mga araw
Lahat ay nagkaroon sa akin ng linaw
Oo—sa puso niya'y ako man ang nauna
Pero sa kasamaang palad may epal na biglang umeksenaSabay kaming bumaba ng bus ng dati kong kasintahan
Bago pa man kami magkalayo muli ng landas
Kami muna'y nagkatitigan
Ngunit dumating ang isang malasAgad niya itong inilayo sa akin
Kasabay nito ay tinignan ako nito ng mariin
Talagang dumadagdag nga ang kaniyang sungay
At masasabi kong ito ay matibayKay hirap talagang magkaroon ng letseng pag-ibig
Lalo na pag ang puso mo'y tuluyan nang nanlamig
Sa oras na ika'y masaktan
Alak nalang ang iyong makakapitanKakapitan sa mga oras na ika'y sobrang wasak
Hayaan mo lamang na ika'y umiyak
Nagawa ka man niyang itulak
Ngunit huwag mong hayaan na ikaw ay kanyang ibagsak!Kapag tumagal, ika'y makakabangon rin
Basta't huwag lamang puso ang iyong pairalin
Kung puso mo man ay muling nakawin
Huwag mo nang hahayaan na ikaw pa'y muling lokohin!=×
Author's note: Thank you sa mga patuloy na nagbabasa ng MTNJ 😍
—OrangeLover18
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Jilz
PoetryHighest Rank Achieved: 2016 #1 in Poetry as of October 6, 2016 2019 #12 in Spoken Poetry as of January 2, 2019 #21 in Poem as of January 2, 2019 2020 #78 in Poem as of April 18, 2020 #12 in Mga Tula as of April 18, 2020 #11 in Spoken Poetry as of Ap...