Mulat

84 2 0
                                    


Sa pagsapit ng bagong taon
Mga dating alaala'y iyong ibinaon
Ibinaon mo ang mga ito sa limot
Tila aakalain mong tapos na ang bangungot

Ika nga nila
Maraming namamatay sa maling akala
Bagkus gugustuhin mong maniwala
Dahil mahilig kang magpadala

Simula pa lamang ng taon
Ngunit agad tayong humarap sa isang hamon
Napakaraming nangyari na trahedya
Ang Diyos ba'y ginawa itong pasadya?

Umaasa tayong lahat sa proteksyon
Subalit walang aksyong isinasagawa ang administrasyon
Makapagsabi ka lang ng maling salita
Ituturing ka na nilang maralita

Ngayong panahon ng krisis
Nagsilabasan na ang kanya- kanyang hugis
Lalo na ang tunay na kulay ng gobyerno
Alam mo dapat yan dahil ika'y isang mamamayang Pilipino

Ikaw, bilang isang kabataan
Alam mo ba ang iyong mga karapatan?
Lumaban ka dapat ng may paninindigan
Karapatan mo'y huwag mong hayaan

Sa panahon natin ngayon
Samu't sari ang iyong mga maririnig na reaksyon
Sapagkat lahat tayo'y mayroong kanya kanyang opinyon
Ngunit lahat ng iyon ay mayroong limitasyon

Hindi sa lahat ng oras ay tamang artikulo ang iyong binabasa
Lalo na kung wala naman itong bisa
Hindi sa lahat ng oras ay tamang impormasyon ang iyong naririnig
Bagkus nanggaling lamang sa sarili niyang bibig

Hindi sa lahat ng oras ay lulunukin mo ang iyong dignidad
Sapagkat ang mga ito'y merong abilidad
Hindi sa lahat ng oras ay ibibigay mo ang iyong tiwala
Tignan mo ang mga nangampanya bigla nalang nawala!

Mapansin mo sana ang iyong paligid
Talikuran mo narin ang pagiging makitid
Ipaglaban mo kung ano ang nararapat
Itong mga mata'y panatilihing mulat

Naniniwala ako na balang araw
Tayong lahat ay magsusumigaw
Bukod sa nalagpasan natin ang pandemya
Sa masalimuot na gobyerno tayo'y nakalaya

Author's note:

Hope everyone's doing fine and we'll get through this pandemic one day. All we have to do is to PRAY, STAY HOME, WASH YOUR HANDS ALL THE TIME, DRINK YOUR VITAMINS, STAY HEALTHY AND BINGE WATCH KDRAMAS 😂

Mga Tula ni JilzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon