Ika'y nakakamangha
Sa lahat ng mga babaeng aking nakasalamuha
Sapagkat ang porma mo'y napakasimple
Na animo'y wala kang bahid ng pagka-arteAt sa iyong pagmumukha?
Wala akong nakikita na kahit na anong kolorete
Na nakapatong sa iyong mukha
Pero bakit ganun bigla ka na lamang sumulpot sa aking buhay na parang isang kabute?Sapagkat nung araw na iyon
Ika'y aking nagustuhan
Sabay mo ring napukaw ang aking atensyon
At iyon ang aking dahilanKaya't pasekreto na lamang kung ako'y sumulyap
Nagbabakasakaling tayo rin ay magkakausap
Hanggang sa dumating na rin aking hinihintay
Na kung saan ay hindi ako sumablayTayo'y naging magkaibigan
Kinilatis muna ang isa't isa
Hanggang sa tayo'y naging magkasintahan
Tayo rin ay nangako sa isa't isaNa mas magiging matamis pa tayo sa asukal
Mas magiging matatag pa tayo sa bakal
Mas magiging matayog pa tayo sa isang punong nakatayo
At ito'y aking tutuparin para sa iyoAko'y kinalabit ng aking katabi
At sabay niyang sinabi
Bumangon kana riyan
Sapagkat tapos na ang ating klase at oras na ng uwianSa lahat ba naman ng pagkakataon
Bakit napaginipan ko pa iyon?
Alam ko naman na malayong mangyari ito sa katotohanan
Katotohanan na hindi mangyayari kailanmanSa oras na iyon
Ako'y naglakbay diwa
At sa aking tuwa,
Akin nanamang napagana ang aking mapaglarong imahinasyon=x
Author's note: Sorry for not updating #MgaTulaNiJilz yesterday kasi nakatulog ako at naglakbay diwa din ako CHAR pero sana nagustuhan niyo itong update :)
-OrangeLover18
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Jilz
PoesíaHighest Rank Achieved: 2016 #1 in Poetry as of October 6, 2016 2019 #12 in Spoken Poetry as of January 2, 2019 #21 in Poem as of January 2, 2019 2020 #78 in Poem as of April 18, 2020 #12 in Mga Tula as of April 18, 2020 #11 in Spoken Poetry as of Ap...