Kabanata 18

45 4 0
                                    


Panibagong kabanata nanaman ang aking isusulat
Ngunit hindi ako nandirito upang magpasikat
Bagkus nais kong papasukin sa buhay ko ang mga taong nararapat
Na hanggang sa huli ay matapat

Hindi ko ninanais na magkaroon ng napakaraming kaibigan
Hindi ko ninanais na maulit muli ang mga pangyayari sa aking nakaraan
Hindi ko ninanais na masaktan ako ng paulit-ulit
Hindi ko ninanais na magkaroon muli nang isang buhay na sobrang pait

Oo ako'y naniniwala sa reinkarnasyon
Dahil pakiramdam ko nabuhay ako nung sinauna pang panahon
Ngayo'y nabuhay akong muli
Alam kong hindi ito magiging madali

Masasabi kong handa na akong harapin
Kung anuman ang pagsubok na nakalaan sa akin
Hinding hindi ko ito uurungan
Bagkus masasabi ko na handa ko itong labanan

Tila marami ngang nagsasabi sa akin
Na ako'y lumaki na agad
Sapagkat ngayon ako na ay nasa tamang edad
Na dapat ang pag-aaral ay magawa kong tapusin

May mga taong darating
May mga taong sinungaling
May mga taong akala mo kung sinong magaling
May mga taong uuwi nalang talaga ng lasing

Sabi nila minsan lang tayo mabubuhay
Kung kaya't dapat lang ay mabigyan natin ito ng kulay
Dahil talagang may mga bagay
Na sadyang idadaan mo nalang sa tagay

Oo na wala akong sinisinta
Oo sabihin na rin natin na wala akong kwenta
Ngunit handa na akong maubusan ng tinta
Maisulat lamang ang ika-labingwalo na kabanata

Author's note:

I hope you like this one that I created during my 3AM thoughts. Actually I really miss writing some poems but hey! At least nakakapagsulat na ako ulit haha!

—OrangeLover18

Mga Tula ni JilzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon