Nasubukan mo na bang umasa?
Na kung saan ay umasa ka lang sa wala?
Walang pinagtunguhan
Kundi'y sakit na siyang aking nararamdamanUmasa kasi ako
Umasa kasi ako na darating siya
Sa mismong araw ng kaarawan ko
Nangako kasi siya akin
Na siya'y pupunta
At hindi siya mawawala sa mismong araw na iyonKaya't heto ako ngayon
Nakatitig lang ako sa mga nagniningning na bituin
Kasama na rin ang napakaliwanag na buwan
At ako'y umiiyak sa ngayonMake a wish iha
Iyan ang sabi sa akin ng aking papa
Ngunit bago ako humiling ako muna'y naghunos dili
At ako'y nagmuni muniBakit kasi hindi ka pumunta?
Sayang hindi mo naabutan
Madami pa naman akong handa
Maligayang kaarawan nalang sa akinAt saka ko na hinipan ang cake ko
Alam mo ba kung ano ang hiniling ko?
Na sana'y makita ko man lang ang anino mo
Kahit sa pagkakataong ito
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Jilz
PoesíaHighest Rank Achieved: 2016 #1 in Poetry as of October 6, 2016 2019 #12 in Spoken Poetry as of January 2, 2019 #21 in Poem as of January 2, 2019 2020 #78 in Poem as of April 18, 2020 #12 in Mga Tula as of April 18, 2020 #11 in Spoken Poetry as of Ap...