Hahaha

307 21 0
                                    

Iyan ang kadalasan mong sabihin
Lalo na kung ika'y wala ng masabi
Ano nga ba ang mayroon sa salitang iyan?
Na siya'y palagi mong sinasabi

Hahaha
Masaya ka nga ba talaga?
Kung kalungkutan nga naman
Ang siyang iyong nararamdaman

Hahaha
Huwag ka ng magkunwari
Sapagkat marami ng nakakahalata
At alam mo na rin iyan sa inyong sarili
Na ika'y tumatawa nga
Ngunit sa kalooban mo ay nakararanas ka talaga ng bigat na pighati

Mga Tula ni JilzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon