Nagsimula ang lahat sa asaran
Hanggang sa tayo'y naging magkaibigan
Nangyari ang lahat ng ito sa mabilis na paraan
At sa panahong hindi ko inaasahanSayo ako'y laging nakatulala
At buong detalye sayo'y aking kinilala
Minsa'y di rin ako mapakali
Baka ako ay iyong mahuliKung kaya't habang hindi mo pa nalalaman
Itinago ko muna itong aking nararamdaman
Kahit na ako'y nahihirapan
At sa huli ay palihim na nasasaktanIlang taon na rin pala ang lumipas
Ngunit hindi ko parin ito magawang sabihin
Pagmamahal ko sayo'y nanatiling wagas
Sapagkat hindi ko parin ito magawang burahinTadhana'y sadyang napakalupit
Sapagkat nung ako'y nagkasakit
Ang pag-amin ko sayo ay aking nagawa
Ngunit sa huli ikaw lamang ay natawaHindi ko lubos akalain
Na ganun ang kalalabasan
Hindi biro ang aking pag-amin
Nang aking tunay na nararamdamanHindi mo nga nagawang magalit
Ngunit pagkatapos ng aking sinambit
Sayo'y mayroong sumunod na subalit
At sa pwesto ko ika'y bigla nalang lumapitBinuka mo ang iyong labi
At ito ang iyong sinabi
'Pasensya ngunit hanggang kaibigan lang talaga
Ang pagkakaibigan natin ay sadyang napakahalagaKung kaya't hindi ko ito mabitawan
Dahil ayaw ko itong masira
At hindi na bunalik pa ng tuluyan
Sana ang pag-ibig mo sa akin ay magawa mo ring mabura'Pwes siya'y nagkakamali
Sapagkat hindi iyon ganun kadali
Kakailangan ko muna ng oras para sa aking saril
Dahil alam ko na hindi pa ito ang huliNapakahirap talagang magmahal
Lalo na kung alam mong ika'y nasasakal
Mahalin mo na ang lahat
Huwag ang kaibigan mo lang dapatNagsimula ang lahat sa pagiging magkaibigan
Magtatapos rin naman sa ganung kalagayan
Oo nga't di ko nagawang maging kuntento
Sapagkat hindi naman ako perpektoMay mga bagay na kailangang tanggapin
Kahit sa huli ay sadyang napakasakit
Ang tadhana ma'y sadyang napakahigpit
Ngunit sa huli ay kailangan mo itong harapinHarapin ng buong tapang
At simulan mo ng gumapang
Nang ika'y makapagsimula muli
Habang hindi pa huli ang sandaliYes our love was not bounded
In order not to feel the pain
I must return back where it all started
So that I could restart once again=×
Author's note:
Annyeonghaseyo! 👋 Nakapagupdate na rin si acœ 😌 yes medyo busy na rin ako ngayon dahil buhay senior high na #labanlang 💪 hoping that all of you will appreciate my newest update here 😅 ginawa ko lang naman ito actually dapat ung research paper ko kaso it turns out na—heto na! Sana mabasa nyo 😉 love you all 😘
-OrangeLover18
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Jilz
PoesíaHighest Rank Achieved: 2016 #1 in Poetry as of October 6, 2016 2019 #12 in Spoken Poetry as of January 2, 2019 #21 in Poem as of January 2, 2019 2020 #78 in Poem as of April 18, 2020 #12 in Mga Tula as of April 18, 2020 #11 in Spoken Poetry as of Ap...