Panibagong Simula

101 6 0
                                    


Tapos na ang maliligayang araw
Iyan ang aking natanaw
Panigurado nakapagpahinga na rin ang aming mga isipan
Sapagkat nabigyan namin ito ng kunting katahimikan

Sembreak kung ito'y kanilang tawagin
Ngunit para sa akin
Sabihin na nating “oo bitin”
Pero kailangan na namin itong sulitin

Sulitin ang mga natitira pang araw para sa amin
Sapagkat bagong semester muli ang aming haharapin
Haharapin namin ito ng buong tapang
At sisimulan namin ang panibagong hakbang

Hakbang patungo sa eskwela
At sabay-sabay naming haharapin ang panibagong simula
Hindi man halata
Ngunit kailangan na nating simulan ang panibagong kabanata

Kabanatang muli nating isusulat
Ano pa man ang bigat
Ngunit kailangan naming ipakita sa lahat
Na kami parin ay lumalaban at patuloy na aangat

Author's note:

All I can say is goodluck sa ating lahat dahil 2nd sem na 😌 kaya natin 'to PAWER! ✊ Nakapagupdate na rin sa wakas 😍

-OrangeLover18

Mga Tula ni JilzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon